
New Zealand, COVID-19 free na

Wala nang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa New Zealand sa loob ng 100 days nila ngayong araw.
Ayon sa opisyal ng New Zealand, kahit na wala ng naitatalang kaso ng COVID-19 ay mayroon pa rin silang 23 active cases ngunit ang mga ito ay agad na detect pa lamang sa kanilang border bago tuluyang makapasok sa kanilang bansa kaya agad din silang inilagay sa isolation facilities.
“Achieving 100 days without community transmission is a significant milestone, however, as well all know, we can’t afford to be complacent,” sabi ng director-general of health na si Ashley Bloomfield.
Aniya, dahil batid nila ang mabilis na hawaan ng naturang virus kaya agad silang naghigpit ng seguridad mula noong Marso upang hindi na lumaganap pa sa kanilang bansa ang naturang virus.
Ang New Zealand ay mayroong 5 million population lamang, dahil sa maliit na bilang ng populasyon nila ay kanilang napagtagumpayan ang laban sa COVID-19 dahil sa maagap na pagsasara ng kanilang bansa.
Pinuri naman ng World Health Organization ang New Zealand na, “successfully eliminated community transmission”.
Matatandaan na ang unang pasyente nila ay na-diagnosed noong Pebrero, at nakapagtala sila ng 1,219 confirmed cases sa pamamagitan ng community transmission na naitala noong Mayo 1.
Sa ngayon, ini-enjoy na ng mamamayan ng New Zealand ang pagbabalik nila sa normal. Pre-coronavirus lifestyle na rin sila at wala na ring social distancing. Pinahihintulutan na rin sa sports at cultural events ang kanilang mamamayan ngunit mananatili pa rin ang istriktong pagbabawal sa mga papasok sa kanilang bansa.
Aniya, ang lahat ng mga papasok sa kanilang bansa ay kinakailangan pa ring sumailalim sa 14 days quarantine. (From Rex Molines posted in Pilipimo Positibo)