Wild animals sa lansangan protektahan, ‘wag katakutan ngayong pandemya

Read Time:1 Minute, 55 Second

Nitong nagdaang mga araw sunod-sunod na nagsilabasan ang mga alagang hayop at hindi lang basta ordinaryong alagang hayop. Gaya nang pagsulpot ng dalawang ostrich na pagala-gala sa Quezon city.

Maging sa iba’t ibang probinsya ay gumala rin ang isang alagang baboy sa lansangan at nakipaghabulan pa ito, may mga baka rin na tumatawid sa lansangan at nakikipagpatintero sa mga motorista, kabayo, at ang grupo rin ng mga kambing na magkakasunod na tumatawid sa lansangan, at ang bayawak na nagmamasid ng makakain sa paligid.

Advertisement

Tila mala-Jumanji nga raw ang pagsulputan ng iba’t ibang uri ng hayop na hindi naman natin nakikita ng madalas sa labas o sa mga lansangan at sa siyudad. Ilan sa mga dahilan kung bakit nagsusulputan sa lansangan ang mga hayop ay ang kawalan ng kanilang makakain at ang discomfort sa kanilang paligid o tinitirahan at ang kapabayaan ng mga nag-aalaga nito.

Nito lamang Sabado, Agosoto 8 na isa sa dalawang napabalitang ostrich na pagala-gala sa quezon city ay namatay na. Dahil sa stress na naranasan nito ayon sa DENR.

Sana maging leksyon ito at maging responsable ang bawat isa sa atin sa pangangalaga ng mga alagang hayop.

Kung sakaling may makitang mga hayop na gumagala sa inyong mga lugar huwag po natin silang sasaktan bagkus, magpatulong tayo sa mga awtoridad o sa ating barangay upang maprotektahan ang mga hayop na siyang ipinangalaga rin sa atin ng Diyos. Huwag po tayong maging pabaya sa mga hayop sa ating paligid na nagbibigay din ng kasiyahan sa ating lahat.

Samantala, nito lamang nakaraang Hulyo 28 ay tuluyan na nga’ng ibinalik sa tunay na tahanan ang isang Philippine eagle na nasagip na pinangalanang “Makilala Hiraya.” Marami ang nakasaksi sa pagpapakawala nito, marami ang kumuha ng larawan at ng video kung paano nga ba ang isang agila na lumibad patungo sa kanyang tunay na tahanan. Ito ay kinatuwa at ikinasabik ng mga daan-daang mga nakasaksi ng ganitong bibihirang pangyayari.

Aniya ng Philippine Eagle Foundation, ipinakikita lamang ni Makilala Hiraya na kahit may pandemya na kinaharap ang ating bansa at ang buong mundo ay dapat patuloy lamang tayong mangarap at lumipad ng mataas at ating matatanaw ng mas klaro ang tunay na kahulugan ng lahat ng ito sa kabila ng pagharap natin sa pandemya ng COVID-19.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Kuya Wil nag-donate ng 5M plus 400K para sa mga jeepney drivers at mga nasawi sa Beirut Lebanon
Next post Ilang mga bituin nagbigay pugay sa mga medical frontliners
%d bloggers like this: