SHOWBIS ATBP.

Heart Evangelista, tampok ang mga Sorsogon products sa kanyang latest vlog

Itinampok ng Actress na si Heart Evangelista ang mga produkto ng Sorsogon sa kanyang latest vlog.

Pagdating sa paglalagay ng kanyang pangalan sa isang produkto, tinitiyak ng actress na kabisado niya ang bawat hakbang sa paggawa nito.

Napatunayan niya ito sa kanyang latest vlog kung saan ipinakita niya na gagawa siya ng home décor tampok ang local artisans ng Sorsogon.

Naglaan ng oras ang Queen of Creative Collaborations upang bisitahin ang bawat shop at makipagkita sa mga artist para matiyak na ang lahat ay naaayon sa kanyang mga pamantayan.

Ipinakita rin niya ang kanyang little project sa bahay ni Chiz na magsisilbing showroom para sa paparating na home décor line.

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, ayon kay Heart “I feel very productive kasi marami tayong napuntahan at marami tayong naimbentong anik-anik for the website.”

“Of course, the greatest thing about it is that we’ll be able to feature the artisans here in Sorsogon and support local which is so important these days to embrace our own, especially with everything that’s been happening.”

Nagbebenta ngayon ang actress ng mga handicrafts mula sa nasabing probinsya tulad ng mga handbags, barrel planters, basket at marami pang iba. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA)

.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.