
Eatbulaga Dabarkad na si Anjo Yllana pormal na nagpaalam sa longest running noontime show.
Ibinihagi ni Anjo ang kanyang malungkot na pamamaalam sa kanyang facebook account noong Martes, August 11.
Saad ng dabarkad host, “With a heavy heart… today, August 11, 2020 … I submit my resignation.
“Thank you, Dabarkads. Thank you ‘Eat Bulaga.’ 21 years and it was a blast.

“Goodbye and all roads to your 50th.”
Nagpost rin siya ng ilang mga litrato kasama ang cast at management ng Eatbulaga.
Buong puso naman nagpasalamat ang ilang celebrities at ka-dabarkads ni Anjo tulad nina Paolo Ballesteros, G Tongi at Janno Gibbs.
Si Anjo Yllana ay nagsimula maging host ng longest running noontime show noong 1998. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA)
0 comments on “Anjo Yllana, nag paalam na sa Eat Bulaga”