
‘Hindi lang Russia’: DOH nakikipag-ugnayan din sa 16 COVID-19 makers sa buong mundo
Para maibsan ang agam-agam nang mga Pilipino pagdating sa mga bakunang kontra COVID-19 na iniaalok ng ibang bansa sa atin,

Hindi lang sa Russia nakikipag-ugnayan ang Pilipinas pagdating sa bakuna kontra COVID-19 na una nang iprinisenta sa ating bansa bagkus, nakikipag-ugnayan din ang ating kagawaran ng kalusugan sa labing-anim (16) na COVID-19 vaccine makers sa buong mundo, ayon sa pahayag ng Department of Health ngayong Biyernes.
“We already have about 16 vaccine manufacturers na may different stages na tayo ng pakikipag-usap. Ito ay through our bilateral partners,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online media forum.
Aniya, ang Pilipinas ay magsasagawa ng Phase 3 clinical trials ng bakuna na mula sa Russia o ang Sputnik V vaccine ngayong Oktubre 2020 hanggang Marso 2021.
Popondohan naman ng gobyerno ng Russia ang isasagawang human testing phase sa Moscow, at sa ating bansa. /DM
