INIURONG ng Department of Education ang pagbubukas nang pasukan sa Oktubre 5, 2020 matapos aprubahan ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes, Agosto 14.

“As per the memorandum of the President, he has given approval to the recommendation of DepEd which I repeat, we submitted last August 8. Thus, we will now implement such a decision to defer school opening to October 5,” sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones sa online briefing nito.
Ayon kay Briones, kanilang kinukonsidera ang pagsasailalim sa Modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan hanggang Agosto 18.
“We shall use the deferment to provide relief to the logistical limitations faced by the areas placed under MECQ and to fill in the remaining gaps of the school opening that we are currently addressing,” Briones said.
Ang pagsisimula sana nang klase ay sa darating na Agosto 24, ngunit ito’y iniurong sa Oktubre 5 na binigyang katwiran ng ilang lawmakers at ng DepEd na mas mapaghahandaan pa nila ang pinakamalaking transition o kakaharaping pagbabago sa pagbubukas muli ng pasukan sa bansa sa pamamagitan ng blended learning.
Saad ni Briones na ang postponement ng pasukan ay sakop nito ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.
Aniya, kung ang mga pribadong paaralan naman ay nakapagsimula na nang kanilang blended learning ay maari naman itong ituloy ngunit kinakailangang sumunod sa mga panuntunan ng IATF at ng DepEd.
“Ang aming internal policy niyan, kung nakaumpisa na sila at umuubra naman, they have to comply with the requirements of the MECQ or of the Department of Health,” ani Briones. (Rex B. Molines)

Categories: Balita, Banner Story, NASYUNAL