
Isang rider pinuno ng mga damo ang na ‘flat’ na gulong nito para maipagpatuloy ang charity ride nila sa bundok

SULTAN KUDARAT PHILIPPINES — Isang rider na sumali sa charity ride (upang maghatid ng mga tulong sa bundok at matataas na mga terrain nito) ang “na-platan” ng isang gulong nito habang binabagtas ang malalim na bahagi ng bundok.
At ang ginawa nito para maipagpatuloy ang kanyang pagtulong, pinasukan at pinuno nito ang kanyang na-flat na gulong ng mga “uhot” at mga damo sa bundok.
Ayon pa sa nasabing rider, sa una problemado ito kung paano bigyan solusyon ang kanyang problema sa “flat” na gulong.
Hanggang sa maalala nito ang “payo” ni Mayor Randy Ecija Jr ng bayan ng Senator Ninoy Aquino (SNA) sa probinsya ng Maguindanao pag nasa ganoong sitwasyon.
“Naalala ko ang sinabi ng isa ring charity rider na si Mayor Randy Ecija Jr. na punuin ng uhot ir mga damo ang na-flat na gulong para temporaryong makatakbo ang motor,” sabi ni Datu na isang rider.
Ayin pa sa kanya, si Mayor Ecija ay isang dating “habal-habal driver” na naging mayor ng SNA. (Rashid RH. Bajo)