
GUMALING na ang unang tatlong mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Israel matapos nilang isailalim sa plasma-based antibody vaccine na ngayon ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan, ayon sa isang tagapagsalita ng Hadassah Hospital nitong Huwebes.
Ang nasabing mga pasyente ay isinailalim sa isang klinikal na pag-aaral ng Hadassah Hospital at ng Israeli biopharmaceutical firm na Kamada na inaprubahan ng Health Ministry ng Israel.
Ang first-of-its-kind treatment ay batay sa mga corona antibodies na nakahiwalay at nilinis ng Kamada mula sa mga donor ng plasma na may sakit ng naturang virus.
“According to the approved clinical study outline, corona patients receiving treatment are those who suffer from pneumonia due to the virus, and at the moment, although we are in the beginning we are very encouraged,” sabi ni Dr. Asa Kessler ng Hadassah’s coronavirus team.
Ang unang tatlong pasyente ay gumawa ng kasaysayan sa kanilang bansa matapos ang matagumpay nilang gamutan.
Aniya, layon din ng Kamada na higit pang subukan ang antibody product bilang isang potensyal na preventative treatment para sa coronary heart disease sa magkakahiwalay na clinical trials.
Pinamunuan ni Hadassah CEO Professor Ze’ev Rothstein, ang pagkolekta ng plasma mula sa mga pasyente ng COVID-19, isang proseso para sa critical na antibodies.
“We at Hadassah are proud to be not only the busiest and most effective corona testing laboratory in Israel, but also the hospital that collects from dozens of recovering patients the plasma they donate,” ani Rothstein. (Rex B. Molines)