ESPESYAL

Sisig rambutan, pagkaing katakam-takam

Mabungang puno at hitik sa mabalahibo at mapula-pulang bunga na kung minsan ay manilaw-nilaw. Anong klaseng rambutan ba ang gusto mo, supsupin o tuklapin? Iyan ang masarap na rambutan.

May iba’t ibang klase ito. Ang rambutang tagalog na maliliit kung saan madalas na mabibili sa palengke.

Ang rambutang rain-rong na madalas hinahanap-hanap ng mga tao dahil sa tamis ng lasa nito na sinasabing nagbuhat pa sa bansang Thailand.

Ang rambutang bining na animo’y lasang makapuno.

Ang rambutang pitaka na may hugis pahaba na sinasabing walang lasa.

Ang salitang rambutan ay hango sa salitang Malay na “rambut” na ang ibig sabihin ay balahibo. Ang lalawigan ng San Pablo, Laguna ang sinasabing may pinaka-malaking pananim ng rambutan sa buong Pilipinas.

Habang sa bayan naman ng Rosario, Cavite sikat ang Sisig-Rambutan na ipinagmamalaki ni Susan Bungcasan.

Bata pa lamang si Susan ay hilig na niya ang magluto. Katunayan nga nito, mayroon na siyang sariling canteen ngayon na siya mismo ang nagluluto. Sa tuwing sumasapit ang panahon ng rambutan, abala na si Susan sa pamimili ng mga de-klaseng rambutan.

Hindi para ibenta ang naturang prutas kundi para gawing “sisig rambutan”. Mabili raw kasi ito at hinahanap-hanap ng mga taga-Rosario.

“Simple lang naman gawin ang sisig-rambutan, pero syempre may sikreto dito na tanging ako lang ang nakaka-alam. Iyan ang dahilan kung bakit hinahanap-hanap ito ng mga tao,” pagdidiin ni Susan Bungcasan.

Minsan nang ginawaran ng parangal itong si Susan sa isang patimpalak ng pagluluto, gamit ang lutuing sisig-rambutan.

“Natutuwa ako sa aking ginagawa, dahil sa prutas na ito nakakapagluto ako ng masarap at kakaibang ulam na hindi mo matitikman sa iba.”

Tunay na ang galing sa pagluluto ay walang imposibleng rekado, ang mahalaga ay nagawa mo ang isang kakaibang pagkaing tatatak sa iyong pagkatao. (Ni SID LUNA SAMANIEGO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.