Read Time:1 Minute, 18 Second
Image: YearlyNews.com

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sino nga ba ang hindi makakalimot sa pagpaslang kay Senator Benigno Ninoy” Aquino Jr. sa dating Manila International Airport (MIA) noong Agosto 21, 1983 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ating ginugunita ang ika 37 taon anibersayo ng pag-alala sa hindi matatawarang pagkamakabayan at hindi kailanman nagpatinag na ipaglaban ang kalayaan at demokrasyang inaasam ng taumbayan noon at hanggang sa kasalukuyan.

Si Ninoy ay ang ginoo ng pinagpipitagang ina ng demokrasya o Icon of Democracy na si Corazon Cojuangco Aquino na kauna-unahang babaeng Pangulo ng Repubika ng Pilipinas.

Si Ninoy ay isa sa oposisyon sa diktatoryang pamamahala ni Pangulong Marcos kung saan idineklara nito ang Martial Law noong Sityembre 21, 1972.

Nanatili sa United States si Ninoy upang magpagamot ng kanyang karamdaman. Ilan sa kanyang naging pakay ay magbigay ng talumpati para sa mga raliyista at diktatoryal na pamamahala, at para dumalo sa mga pagtitipon o symposiums doon.

Minabuti ni Ninoy na bumalik sa Pilipinas kahit batid niyang may banta ang kanyang buhay.

“If its my fate to die by an assassins bullet, so be it. But I cannot be petrified by inaction, or fear of assassination, and therefore stay in the side.” Isa sa mga huling sinambit ni Senator Ninoy sa kanyang panayam at bago pa man lumapag ang sinasakyan nitong eroplano sa Manila International Airport o maskilalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matapos ang pagpaslang kay Ninoy, umusbong naman ang malaking rally sa buong Kamaynilaan at doon nabuo ang Peoples Power Revolution o EDSA Revolution. (Rex B. Molines)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Sisig rambutan, pagkaing katakam-takam
Next post ARROZ A LA VALENCIANA GENTRISEÑO

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: