Anxiety at depression ikinababahala ng mga eksperto

Read Time:1 Minute, 14 Second
Image: The Mighty

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto ng University of the Philippines patungkol sa nararanasang anxiety at mga depressive disorder ng bawat indibidwal ngayong kasalukuyan, mas dumarami pa raw ang mga nakararanas ng depresyon ngayong panahon ng pandemya.

Sa pagtatala ng UPD PsycServe, mahigit 100 tao ang kanilang natatanggap kada araw. Aniya doble raw ito kaysa noong wala pang pandemya.

Sa isang interbyu kay Dra. Violeta Bautista, Director of PsycServe, Clinical Psychology Program Chair na dapat nating harapin, tanggapin at matutong kontrolin ang ating nararamdaman. Aniya, kailangan alagaan natin ang ating sarili upang hindi magdevelop ang stress reaction sa ating katawan at malagay sa mas malalang kondisyon ang ating mga sarili at pag-iisip.

Nababahala rin ang ating gobyerno lalo na ang Inter-Agency Taskforce at Department of Health sa idinudulot ng pandemya ng COVID-19 sa ating pang-araw araw na pamumuhay gayong marami ang nawalan nang hanapbuhay, mga pamilyang hindi pa nagkikita at lalo na ang mga namatayan nang dahil sa pagpositibo sa COVID-19 at iba pang sakit.

Aniya ng mga eksperto sa sikolohiya, hangga’t maari ay umiwas sa mga negatibong tao at mga sitwasyon sa ating buhay na nagiging dahilan ng ating pagka stress. Kung maari ay gawing abala ang sarili sa trabaho, humanap ng mapaglilibangan, at huwag pag-usapan ang mga pangyayaring hindi maganda sa ating buhay. (REX B. MOLINES)

https://www.facebook.com/RexologyOfficial/?epa=SEARCH_BOX

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post SEC ISSUES GUIDELINES ON RETAINING, AMENDING CORPORATE TERMS
Next post Pagtitinda ng isda paraan ng isang estudyante para mabili ang pinapangarap nitong cellphone
%d bloggers like this: