ESPESYAL

Pagtitinda ng isda paraan ng isang estudyante para mabili ang pinapangarap nitong cellphone

“Isda…..isda….isda kayo dyan!” isang tinig na nagmumula sa batang babae ang pumukaw sa akin.

Agaw-liwanag pa lamang ay kailangan na niyang maglako ng isda. Upang madaling makaubos at hindi mabulukan. Mayroon ding halos 3 kilometro ang nilalakad niya para maglako ng isda.

Pabalik-balik. Pa-rito at pa-roon.

Mga isdang ipinatitinda lamang ng kanilang kapit-bahay. Anim napung-piso (P60) lamang bawat balot ng isda. Mayroon siyang kikitain na sampung piso bawat balot. Mga isdang sariwa tulad ng sapsap, lawlaw, malaway, asobi, na buhat pa sa magdamagang pangingisda sa laot ng kaniyang kapit-bahay.

Matiyaga niyang inilalako ang naturang nakabalot na isda sa mga kabahayan. Subalit ang pigura niya ay taliwas sa ibang nagtitinda ng isda. Nakapustura siya na tila hindi mo iisiping naglalako pala siya ng isda. Hindi nahihiya at taas noon niyang ipinagmamalaki na siya ay tindera ng isda.

Bata pa lamang daw siya ay mulat na siya sa kahirapan ng buhay. Katunayan, hiwalay ang kaniyang mga magulang kaya pilit niyang kinakaya ang kahirapan ng buhay. Dahil para sa kanya ay hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Hindi niya pinapansin ang mga negatibong sinasabi ng iba, sa halip ay ipinagpapatuloy niya pang linangin ang kanyang kakayahan upang makamit ang kanyang pangarap.

Isang touch screen na cellphone ang dahilan ng kanyang pagtitinda. Kailangan daw kasi niya sa eskwelahan. Dahil “on-line class” ang sistemang pinili niya. Wala raw kasi siyang pambili kaya ang lahat ng kinikita niya sa bawat araw ay iniipon niya sa kaniyang alkansya. Upang mabili ang pinapangarap na cellphone.

Siya si Elamae Fernando, 18 taong gulang, grade 12 sa darating na pasukan, kasalukuyang naninirahan ngayon sa Isla Bonita, Rosario, Cavite. Nangangarap siya na maging isang Flight Attendant. Ang paggamit ng wasto at tama sa katalinuhan ay kaloob ng Diyos upang umunlad sa kasalukuyan at hinaharap. Mabuhay ka, Elamae! (Ni SID LUNA SAMANIEGO)

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.