ESPESYAL

National Grief Awareness day

Hindi maikukubli ang ating mga kapighatian kapag dumarating tayo sa punto nang pagkawala ng mga minamahal natin sa buhay. Lalo pa’t dumaranas ang ‘sangkatauhan o sanlibutan sa pandemya ng COVID-19 at marami na ang nagbuwis ng buhay. Ito na ang pinakamasakit na punto ng ating kapalaran ngayon na walang kasiguraduhan.

Ipinagdiriwang ang National Grief Awareness Day ngayong araw, Agosto 30. Bahagi nito ang pagkalinga natin sa bawat isa na dumaranas ng kapighatian. Ang pagkamatay ng mga minamahal natin sa buhay, pamilya, kaibigan, at mga kamag-anak dahil sa banta ng COVID-19 at iba pang uri ng sakit at mga aksidente sa ating paligid. Walang anumang prescription o gamot na maaring makahilom ng ating mga pinagdadaanan ngayon.

Advertisement

Lahat tayo ay lubos na naaapektuhan nito, at maaring mauwi rin sa ating pagkawasak o pagkawala ng ganang mabuhay. Humihinto panandalian ang ating buhay, nakakalimutan natin ang mga importanteng bagay, napapabayaan natin ang ating sarili. Malaki ang pagbabago o adjustment sa ating sarili ang kinakailangan nating gawin at tanggapin.

Sa ganitong pagkakataon, mainam na ating kausapin ang mga taong dumaranas ng sobrang kalungkutan sa buhay. Pakinggan natin ang kanilang mga sariling nararamdaman. Maari natin silang padalhan ng mga mensahe o makipag-video chat na makakagaan sa kanilang bigat na nararamdaman at nang kanilang mabatid na hindi sila kailanman nag-iisa, hindi tayo malayo sa piling nila at lagi tayong handang sila ay damayan.

Self-care, isa sa pinaka mainam nating gawin after and during a loss. Ika nga, there is no shame in seeking assistance with grief if the pain becomes overwhelming. Kailangan natin ang isa’t isa sa panahon ng kalungkutan at kapighatian sa ating buhay. Hindi maiibsan ng kahit ano pa mang bagay ang sakit ng ating kapighatian. Iparamdam natin ang pagmamahal sa isa’t isa, mga salitang makakapukaw ng damdamin. Panahon lamang ang makakapagsabi ng ating paghilom at ito ay kailangan nating maunawaan at tanggapin.

Ano pa man ang ating pinagdadaanan sa buhay, na riyan ang Diyos na handang makinig sa atin. Ang lahat ay nakaplano nang naayon sa kagustuhan ng Amang nasa langit. Tanggapin natin ito at isabuhay.

NATIONAL GRIEF AWARENESS DAY HISTORY

Pinamunuan ni Angie Cartwright ang National Grief Awareness day noong 2014. Dahil sa siya ay nakaranas din ng kapighatian sa buhay na nagtulak sa kaniya upang ma-organisa ang selebrasyon na ito. Kaya naman pinagsumikapan ni Cartwright ang pagtugon at suportahan ang mga katulad niyang dumadaranas ng kalungkutan sa buhay at mabigyang liwanag muli ang kanilang mga sariling buhay at muling maisip na kailanman ay hindi sila nag-iisa sa pagharap ng kapighatian o kasawian ng buhay. (Ni REX B. MOLINES)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.