ESPESYAL

Hinanap, nahanap, at hinahanap pang boses ni Jobert sa sayaw

Jobert Lachica

Tatlong buwan na ang nakalipas habang hating-gabing tapat, tapat na tapat ang mga mata ko sa cellphone kakahanap ng mayroon. Napiga ko na yata ang lahat ng social media accounts ko magmula sa facebook, twitter, at instagram nang maisipan kong manood ng dance videos ng mga mananayaw natin dito sa Pinas.  Sa dinami-dami nang napanood, nababad ako sa isang mananayaw: kay Jobert Lachica.

Iba gumalaw si Jobert, mayroon siyang kapangyarihan sa sa tugtog. Inaangkin niya ang bawat tunog, ang musika, at ginagawa niyang kaniya. Sa pagkakataong ito, hindi na niya sinusundan ang musika—siya na ang sinusundan nito. 

Bilang kapwa niyang manlilikha sa larangan ng sining, gusto ko pang usisain kung paano siya lumilikha, ang proseso niya sa paglikha, at ang akto mismo niya ng paglikha. Naging tapat ako sa aking usisa kaya naman sinibukan ko siyang padalhan ng mensahe sa isa sa mga social media acocunts niya para siya mismo ang tanungin. Pinaunlakan naman niya. Buwenas!

(Tignan ang pagsayaw ni Jobert sa Choreographers Cup 2020:

Si Jobert at ang sayaw

“Kung hindi dahil sa pagsasayaw, siguro nasa mas malalang environment ako,” ang isinagot sa akin ni Jobert noong tanungin ko siya kung ano para sa kaniya ang pagsasayaw. Hindi niya raw alam kung ano’ng mangyayari sa kaniya kung hindi sila nagtapo ng sayaw.

Labing-limang taon gulang siya noong nagsimula siyang magsayaw. Mula pagsusulat ng mga rap songs, napadpad siya sa glee club noong kolehiyo dahil parte ito ng extra-curricular activity at may excuse letter sa ibang subjects tuwing may rehearsal.

“Before I was dancing kasi gusto kong magpapansin, mali ‘yung purpose ko noong una pero kasama sa process ‘yon.” Napagtanto niyang kailangan niya pa ng bigat, kailangan niyang maipakilala kung sino at sabihin ang mga gusto niya sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Para sa kaniya ay huli na siyang nagsimulang sumayaw at kung wala sa eksena ng sayaw, nasa eksena siya ng pagpepelikula. “Kung di ako sumasayaw, siguro ay nasa linya ako ng pelikula,” banggit niya. “Maski ngayon sa mga piyesa ko, mina-manifest ko yung skills ko sa film kaya I direct my own videos din, kahit wala akong formal training sa film school,” dagdag niya na nagtatanong-tanong din siya sa mga kaibigan niyang gumagawa rin ng pelikula kung paano niya ito mapapagana.

Pasyon at rason

Ang kaniyang pagkuha ng mga dance classes pagkatapos ng isa pang dance class ay nagbunga at huminang sa kaniya para malaman kung ano ang kaniyang paasyon at rason. “Importante ang dance sa akin,” sabi ni Jobert “kasi bukod sa ito na ang trabaho ko, pakiramdam ko ito na rin ang purpose ko: to inspire people.”

Ngunit para kay Jobert, huwag ding kalimutang enjoy-in ang ginagawa. “Lahat ng klase ng pasyon, sining man o sport, ay pinapasok dahil sa kasiyahan. Ang tumatak lang sa kanila habang ginagawa ang bagay na ‘yon ay ‘masaya ‘to’ at madalas, ‘yun ang nakakalimutan ng tao kapag mas bumabaon tayo sa ating pasyon.”

Hindi niya inakalang aabot siya sa ganitong punto sa napiling karera. Dati rati’y pinagdarasal lang, ngayo’y nasa harapan na. “Ang pinbagdarasal ko na lang ngayon ay mag-expand pa ang sining ko at mas maraming maabot pa,” ika niya.

Diniin niya rin na hindi usapin ang pera kahit na sa praktikalan ay kailangan ito, may mas malaking bagay siyang gustong gawin: ang mag-iwan ng marka sa mundo. Ginagawa niya ito sa pagbabalik sa komunidad sa pinagkaloob sa kaniyang talento. “Paminsang-minsan, nagasasagawa kami ng libreng dance classes sa komunidad. Paraan namin ito para pasalamatan sila sa paraang alam namin,’’ sabi ni Jobert. Maraming paraan para magpakita ng pasasalamat at para sa kaniya ito, ang kaniyang paraan.

(Tignan ang dance class ni Jobert sa bilang fundraiser;

Sayaw bilang protesta

Kung ilalarawan si Jobert gamit ang taltong salita, ang pagiging ‘expressive’ isa rito. Ika niya, sa kaniyang mga piyesa ay sinusubukan niyang ilabas ang kaniyang saloobin na parang isang news reporter.

“I bring to life issues na hindi pinapakialaman sa dance kasi some people are afraid to talk about it dahil baka maging bad image sila,” sabi niya.

Isa sa paraan niya ng pagsalungat sa alon ang pagsasayaw niya sa mga OPM songs na natatabunan ng mga foreign na awitin. Noong 2013, puro international choreographers ang sinusundan ni Jobert hanggang naisip Niya sa isang showcase night na sumayaw sa mga OPM songs.

“Nakalimutan na nating mayroon din tayong treasured artists o alam naman natin, pero hindi natin madalas pinapansin,” sambit niya. Noong gabi raw na iyon, sinayaw nila ang Panalangin ng Apo Hiking Society at matapos lumabas ng video, maraming mga mananayaw na gumawa ng sari-sarili damnce covers at nagsimulang sumayaw din sa mga kantang atin.

“Nakilala ko si Kuya Bullet Dumas kaya nagkaroon ako lalo ng rason para sumayaw sa OPM. Sa tingin ko gumawa ng paraan ang universe para mahanap ko ‘yung boses ko.”

Ang pagsasayaw sa huli, para kay Jobert, ay pag-e-express ng sarili; kung ano ang nangyayari sa paligid ng artist, kung ano ang nakakapekto sa kaniya, ‘yon ang inilalabas nila. Hindi nagtutulak ng pagbabago ang sayaw, kung hindi kasama nito ang pagbabago lalo na sa panloob (sa personal na buhay ng mananayaw).

“Nakikita ko ang sayaw para i-express ng tao ang kaniyang sarili habang may nangyayaring importante sa knailang.”

Tignan ang pagsayaw ni Jobert sa Pssst ni Bullet Dumas:

Sa pagmumuwang sa paligid

Higit pa sa mahalaga ang alamin ang nangyayari sa paligid, ika ni Jobert. Ang labas ay ang nagtutulak sa tao at artist para gumawa, para lumikha. “Mahalagang magmuwang sa paligid  dahil kung hindi, paano maririnig ang boses mo? Lahat ay nagmamahal, lahat ay nagdarasal, lahat ay namamatay. Sining ang nagpapabuhay sa atin.”

Hinihimok niya rin ang mga kapwa niya artists, lalo na ang mga mananayaw na kilalanin pa ang kanilang mga sarili. “Kapag nalaman na nila kung sino sila at ang gusto nilang gawin, ‘yung mga kuwento na gusto nilang gawin ay may magiging maganda pa sa kahit na sinong mananayaw o kwentista dahil kwento mismo ‘yon ng buhay nila,” dagdag niya. “Use every experience, emotion to your advantage to send a message. Gagawin ko rin ‘yon,  gagawin din ng iba ‘yon. At kapag nakita mo ‘yon, hindi mo mamamalayang nakahanap ka ng rason,” panuldok niya.

“Hanggang ngayon, I’m still learning. Learning is a never ending process for me . Ika nga ang pinakadelikadong salita ay “good job” kaya di ako nagpakampante sa sarili ko noon hanggang ngayon.” Kahit nahanap na ni Jobert ang kaniyang boses sa sayaw, hindi pa rin ito sapat na dahilan para huminto. Tuloy ang buhay, tuloy ang sayaw. (Ni Benjo Gutierrez)

Tignan ang pagsayaw ni Jobert sa Marilag ng Muni-muni;

Advertisement

1 reply »

  1. THANK YOU KUYA JOBERT FOR SAVING ME THAT TIME!
    I WILL ALWAYS SUPPORT AND LOVE YOUR ART!
    MORE POWER, GOD BLESS YOU!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.