
SANGGUNIANG KABATAAN NG LAGO BARCELONA SORSOGON, NAMAHAGI NG HYGIENE KIT SA KANILANG MGA KABARANGAY

Namahagi ng mahigit isang daang hygiene kits na may kasama pang tabo ang Sangguniang Kabataan Members sa Lago Barcelona, Sorsogon kahapon, Setyembre 4.
Sinimulan ang pamamahagi ng hygeine kits katuwang ang kanilang Punong Barangay ay naitawid nila ng matagumpay ang pamamahagi ng kaunting tulong para sa kanilang mga kabarangay na batid nila na ito ay higit na kailangan ng bawat isa ngayong may pandemya.

Ang proyektong ito ay sinimulan ng Sangguniang Kabataang ng Lago Sorsogon upang makatulong labanan ang banta ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Alinsunod sa health protocols na inilaan ng kanilang barangay at ng ating pamahalaan. Matapos na makapagtala ng kaso sa nasabing probinsya ay kanilang maingat na tinutugunan na mapangalagaan din ang bawat isa sa pamamagitan ng paglilinis ng ating sarili gamit ang hygiene kit.
Samantala, magpapatuloy pa rin ang kanilang pagtulong sa kanilang mga kabarangay. Para sa mga karagdagang impormasyon maaring bisitahin ang kanilang official Facebook page na nasa ibaba. (Ni James G. Escalante | Photo courtesy: Sangguniang Kabataan ng Lago Sorsogon)