
KORONADAL CITY, Philippines — Umabot sa 800 na mga traysikel drayber sa siyudad na ito ang nakatanggap ng mga “pack lunch” na may kasamang “face mask” at “face shield” noong birthday ni Deputy Speaker for Mindanao at South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez noong araw ng Sabado, September 12, 2020.
At ang isa kanila ay si Manong Roger, 48-anyos, nakatira sa Barangay Morales ng siyudad na ito at 5 years ng namamasada ng traysikel.
“Kada tuig nga birthday ni Cong. Dinand, aga pa ako nagamata kag nagakadto sa atubangan sang balay niya para maki-birthday sa iya. Nagapila kami nga mga traysikel drayber para sa iya pakaon sa amon (Kada taon na kaarawan ni Congressman Dinand, maaga pa ako gumigising para pumunta sa harap ng bahay niya para maki-birthday sa kanya. Pumipila kami na mga drayber para sa pakain niya sa aming lahat),” sabi ni Manong Roger.
Ayon kay Manong Roger, nagpapasalamat ito kay Congressman Hernandez dahil ginawa nito na maging bahagi ng pinaka-importanteng araw ng kanyang buhay ang mga traysikel drayber. Kaya noong Sabado, isa ito sa mga pumila sa highway para makatanggap ng pa-birthday ni Congressman Hernandez sa kanila ngayong-taon.
Sa kanyang pinoste na mensahe sa kanyang facebook account, sinabi ni Congressman Hernandez na ginawa na niyang tradisyon na maging bahagi ng kanyang “birthday” ang mga traysikel drayber.
Sa kanyang kaarawan noong Sabado, September 12, 2020, sinabi ni Congressman Hernandez na hindi na siya nagdaos ng selebrasyon bilang pakikiisa sa mga tao ng probinsya na masyadong apektado ng kasalukuyang pandemya.
Instead, namigay na lamang ito ng mga “pack lunch” na may kasamang mga “face mask” at mga “face shield” sa mga traysikel drayber sa siyudad na ito upang mabigyang-proteksyon sila laban sa nakakamatay na COVID-19, kung saan pumatay na ng libo-libong mga Filipino sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
“Maraming salamat po sa inyong mga pagbati at manatili po tayong lahat sa mabuting kalagayan,” sabi ni Congressman Hernandez. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Congressman Dinand Ledesma Hernandez)