
Libreng faceshield para sa mga tsuper, handog ng isang Koreano ngayong Grand Parents Day

EPZA, ROSARIO, CAVITE — Mahigit 1000 faceshield ang pinamigay ng Koreanong si Sejong Chun para sa mga driver ng tricycle at pedicab bilang pagdiriwang ng Grand Parents Day kahapon, Setyembre 13.
Layunin niya ay makatulong sa maliit na paraan upang makaiwas sa sakit na Covid.
“17 taong na akong naninirahan dito sa ‘Pinas at masaya ako na namumuhay dito kasama ang aking asawang Pinay at 3 anak. Ginawa ko itong pamimigay ng faceshield kasi gusto kong ipabatid sa mga driver ang kahalagahan ng pagsusuot nito”, pagmamalaki ni Sejong Chun.
Katuwang ng Koreano sa pamimigay ng faceshield ang buong kasapi ng Rotary Club of Rosario.
Si Sejong Chun ay 48 taong gulang, CEO ng isang kumpanya sa Epza.
“Mahal ko ang mga Pilipino dahil mababait sila at maaalalahanin. Maganda ang Pilipinas. Masayahin ang mga Pinoy”, pagtatapos ni Sejong. (Ni Sid Luna Samaniego 📷)
TINGNAN ANG MGA LARAWAN SA IBABA;