.75 metrong distansya at NO TALKING sa pampublikong transportasyon, ipatutupad

0 0
Read Time:1 Minute, 3 Second
Image: ABS-CBN News

MAGTATAGUMPAY ang pagbabawas ng sukat ng social distancing para sa mga mananakay sa pampublikong transportasyon basta sumunod lamang ang lahat sa ipinatutupad na health protocols ng mga awtoridad.

Tiniyak ito ni National Task Force COVID-19 policy chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa ikalawang araw ng pagpapatupad sa .75 metrong distansya mula sa dating isang metro na layo sa bawat indibidwal.

“With the protection ng face mask and face shield, no talking para no droplet. Dapat no talking, no eating, no use of cellphone. ‘Yung iba like sa Japan, no talking pero dikit-dikit na [sa PUVs],” pahayag ni Galvez.

Aniya, naniniwala ang kalihim na hindi mataas ang pagkakahawa sa naturang virus sa mga pampublikong transportasyon kumpara sa loob ng bahay at sa mga lugar na pinupuntahan ng karamihan.

“Ang pinaka-vulnerable bahay or community kasi tinatanggal ang face mask sa bahay. Pati na sa workplace, like canteen and smoking area. Pero shuttles and transport, hindi naman masyado,” dagdag pa ng kalihim.

Nilinaw din ng kalihim na dapat din matiyak ang maayos na ventilation sa PUVs na mag-circulate ang hangin. Pinaalalahanan din ang publiko na umiwas sa tinatwag na 3 C’s o ang crowding, close contact, and confined spaces. (Ni Rex Molines)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: