
RAJAH BUAYAN, Maguindanao — Ipinagdiwang na lamang ng mga opisyal, sa pangunguna ni Mayor Yacob Ampatuan, at ng mga mamamayan ng bayan na ito ang kanilang ang 16th foundation anniversary noong September 5, 2020 dahil sa patuloy na banta ng nakakamatay na sakit na COVID-19, kung pumatay na ng libo-libo katao sa boung bansa.
Ang kanilang selebrasyon ay may tema na “disiplina at pagkakaisa para sa kaligtasan ng bayan.”
Ayon kay Mayor Ampatuan, ang kanilang simpleng selebrasyon ay bilang pakikiisa sa dalamhati at pighati na nararamdaman ng kanyang mga kababayan sa bayan ng Rajah Buayan dahil sa COVID-19 at bilang pagrespeto at pagsunod sa “health safety protocols” na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases and Infectious Diseases (or IATFEDID) at ng provincial government ng Maguindanao.
“Kahit simple lang ang aming sleebrasyon pero Masaya pa rin kaming lahat dahil kahit papaano naipagdiwang namin ang foundation anniversary ng aming bayan,” sabi ni Mayor Ampatuan sa interview sa kanya ng DIYARYO MILENYO.
Pinasalamatan ni Mayor Ampatuan ang lahat na mga bisita, kabilang na ang mga opisyal ng ibat-bang LGUs at mga taga-AFP at PNP, na dumalo upang makiisa sa kanilang selebrasyon.
Ang ilan sa mga dumalo ay sina Rajah Buayan Sittie Jinn Princess Lumenda, Administrator Habib Yasin Ampatuan, Municipal Health Officer Dr. Nic Francis Cantero at Honorable Mohadger Lumenda.
Dumalo rin sina Sultan Sa Barongis Mayor Mamatanto Mamantal at Mamasapano Vice Mayor Benzar Ampatuan sa nasabing selebrasyon.
Bilang pakikiisa, dumalo rin sila AFP Deputy Commander 601st Brigade Colonel Joel “Datu Mudsol” Mamon, Maguindanao PNP Provincial Director Colonel Arnold Santiago, 40IB Lieutenant Colonel Rogelio Gabi at 33IB Lieutenant Colonel Elmer Boongaling.
Sa gitna ng selebrasyon, namahagi ng libreng mga bigas ang LGU-Rajah Buayan sa mga empleyado nito bilang pasasalamat sa pagbuhos ng kanilang serbisyo sa pakikipaglaban kontra sa COVID-19. (ABDUL CAMPUA/Photo credit to Live Camera Tacurong)