Bagong ‘Baseco Esplanade’ sa Maynila malapit ng buksan

Read Time:1 Minute, 11 Second
Image: FB page of Manila Mayor Isko Moreno (Baseco Esplanade)

Nakatakdang magbukas ang bagong “BASECO Esplanade” sa Maynila sa mga darating na araw matapos ang tuloy-tuloy na paglilinis sa dagat ng basura sa Port Area Manila.

Ayon sa pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang dating baybayin na puno ng basura sa Baseco ay nalinis na ngayon at hindi na gaya ng dati na talaga namang nakaka panlumo na tanawin ang Baseco beach.

Baseco Beach

“Tulong-tulong po ang Department of Pubic Services (DPS) Baseco Beach Warriors, Metropolitan Manila Development Authority at Department of Environment and Natural Resources sa cleaning operations. Hindi po tayo matatapos dito. Tuloy-tuloy lang ang ating pagkilos hanggang sa makamit natin ang isang maunlad, maganda, at panatag na Maynila. Soon, we will develop the new Baseco Esplanade,” paniniyak ni Moreno sa mga residente ng Baseco.

Lampost at the Baseco Beach Espalanade

Nabatid din na may lamp post sa baywalk area para magsilbing liwanag sa gabi at maging ligtas din sa pamamasyal sa naturang beach. Ang mga ikinabit na lamp post sa Bay area ay hango sa recycle lamp post sa Espana Blvd sa Sampaloc Manila na pinangasiwaan ng City engineers.

“Ayoko po sayangin ang pera niyong pinambili dito. May value pa naman po, sayang kung itatapon lang. Kaya po iniatas ko na ayusin ang mga nasabing mga poste ng ilaw,” ayon kay Moreno. (Ni Rex Molines)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Remembering General Akmad Mamalinta as recipient of Gold Cross Award
Next post Pemberton, black listed o undesirable alien na sa Pinas
%d bloggers like this: