
Likas na sa atin ang makaramdam ng pagkainggit sa kapwa at kahit itago pa ito ay hindi maikukubli sa ating sarili na minsan sa buhay natin ay mayroon tayong kinaiinggitan. Mga bagay o katangiang meron ang iba na wala sa atin.
Ano nga ba’ng mayroon sa mga taong masyadong mainggitin? Bakit labis silang naghahangad makamit ang mga bagay na mayroon ang iba na wala sila? Narito ang ilang mga palantandaan ng pagiging mainggitin;
CURIOSITY
Ang mga inggetero o inggetera ay masyadong mapuna sa kanilang paligid. Mahilig din silang bumanat ng mga katagang “Buti pa sila meron!” Mapapa- sana all ka na lang. Inshort, masyado silang curious sa nakikita nila sa kanilang kinaiinggitan. Curiosity kung bakit nagkakaron ng interest ang mga taong nakararamdam ng pagkainggit sa iba.
INGGIT o ENVY ISA SA SEVEN DEADLY SINS
Ayon kay Bertrand Russell isang British Philosopher, logician, social critic at political activist. Nais lamang ng mga taong ito (inggetero’t inggetera) makamit ang mga bagay, katangian o kakayahan ng isang tao na wala sa kanila. Ang pagiging mainggitin ay walang naidudulot na kasiyahan sa ating pagkatao na maaring humantong sa matinding alitan sa kinaiinggitan. Ito ay lumilikha ng maling kaisipan at gawain na maaring ikapahamak ninuman. Kaibigan, kasalanan ang mainggit sa ating kapwa.
OBSESSIONS, SOPHISTICATIONS, DISCONTENTMENTS
Ang pagiging inggetero o inggetera ay isang sakit sa pag-uugali o behavior ng tao sa kagustuhang hangarin ang mga bagay na meron ang iba na wala sa kaniya. Natutukso silang mangahas na duptin ang bagay na meron ang iba, hindi marunong makontento sa kung anong meron sila na kadalasan ay di nila napupuna na nasisira na pala sila sa ibang tao dahil sa inggit na dumadagta sa kanilang pagkatao. Ika nga, masyadong obsessed at sophisticated.
MATUTONG MAKONTENTO
Huwag mong kaiinggitan ang iyong kapwa sa mga bagay na mayroon siya sapagkat, it ay kaniyang pinaghirapan at wala tayong karapatang angkinin o pagnasahan ang meron sila. Gawin mo silang inspirasyon para marating mo rin ang narating ng iba. Higitan mo pa sa maayos na paraan. Mahalagang makontento tayo sa kung ano ang mayroon tayo.
BE YOURSELF. ACCEPT YOUR LACK
Ano nga ba ang dapat nating gawin upang hindi tayo makaramdam ng inggit sa iba? Simple lang, Just be yourself and accept your lack, ‘wag kang masyadong magpa-impress at maghangad o magnasa ng anumang bagay na wala ka. Hindi naman masama ang makaramdam ng pagka-inggit sa ating kapwa dahil ito ang maaring magtulak sa atin para magsumikap upang marating din ang narating ng iba basta alam mo ang limitasyon mo sa iyong hinahangad at hindi ang hangarin mo ang bagay na mayroon ang iba. (Ni Rex Molines)