ESPESYAL

Pangarap na wheelchair ng isang dalaga na may kapansanan tinupad ng kongresista sa South Cotabato

Glaizel Mae “Angel” Gemino

UPPER VALLEY AREA, South Cotabato –– Hindi inaakala ng isang dalaga na “Person With Disability” (or PWD) na “walang paa” at “putol ang kamay” sa bayan ng Lake Sebu sa probinsya na ito na ang matagal na nitong pangarap ay tutuparin ni Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez.

Sa mensahe na pinoste ng isang “netizen” na nakatira sa nasabing bayan na si Mr. Bernard Santolaja Caat sa kanyang facebook account, sinabi nito na last August 29, 2020, hindi makapaniwala ang PWD na dalaga na si Glaizel Mae “Angel” Gemino na gugulatin ito ng Diyos.

Tumabad sa kanyang harapan ang isang nakabalot ng malaking karton na naglalaman ng “brand new wheelchair” na ipinadala ni Congressman Hernandez para sa kanya.

Abot-langit naman ang tuwa ng nasabing dalaga sa sorpresa sa kanya ni Congressman Hernancez na wheelchair para sa kanya. Halos mapaiyak naman sa tuwa ang parents ng dalaga. Lahat sila ay nagpapasalamat kay Congressman Hernandez.

Ipinadala ni Congressman Hernandez ang wheelchair para sa dalaga na PWD mga 14 days bago ang kanyang birthday, kung saan ng araw na yun (September 12) namigay ito ng “pack lunch” na may kasamang “face mask” at “face shield” sa 800 na mga tricycle driver sa Koronadal City.

Ayon kay Mr. Caat, “ISANG PANGARAP PO ANG NATUPAD…Sya po ay si GLAIZEL MAE (“ANGEL”) GEMINO…WALANG mga PAA, PUTOL po ANG ISANG KAMAY…NAGPAPASALAMAT SA BLESSINGS NA IBINIGAY NI CONGRESSMAN FERDINAND Dinand Ledesma HERNANDEZ…” (Please see the link… https://www.facebook.com/dinand.villaruel/posts/3309308452484217)

Sinabi ni Mr. Caat na “sa hirap ng panahon AT NASA PANDEMYA, iniipunan pa po sana with her family ang pambili ng kanyang wheelchair…ANSWERED PRAYER PO ANG BUTIHING CONGRESSMAN.”

Napaga-alaman ng Mindanao Desk ng DIYARYO MILENYO na isa lamang si Glaizel sa maraming mga PWDs sa 2nd District ng probinsya ng South Cotabato ang nakatanggap ng “brand new wheelchair” mula kay Congressman Hernandez.

Ayon kay Congressman Hernandez, ang pamamahagi nito ng wheelchair sa mga PWDs at mga taong may kapansanan ay naging posible dahil sa tulong ng Department of Health (DOH) at mga “friends” nito na nag-ambag-ambag para pambili ng ng nasabing mga wheelchair. (RASHID RH. BAJO/Photo credit to Mr. Bernard Santolaja Caat)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.