Pemberton, black listed o undesirable alien na sa Pinas

Read Time:1 Minute, 15 Second
US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton

NAPAGDUSAHAN na ni US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton ang kaniyang sentensya ayon sa Embahada ng Amerika sa Pilipinas.

Ito ang giit ng US Embassy kasunod ng paglaya ni Pemberton matapos bigyan ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na talaga namang ikinagulat at ikinagalit ng pamilya Laude at ng sambayanan.

Aniya, giit pa ng US Embassy na dumaan naman sa proseso ang pagpapalaya kay Pemberton nang katigan ng korte ang Good Conduct Time Allowance nito.

Ikinatuwa naman ito ng embahada ang pagdesisyon ng Pangulo na batid naman nilang alam din ng Pangulo ang batas sapagkat isa rin siyang abogado.

Umalis na ng bansa nitong Linggo (Setyembre 13) si Pemberton na na-convict dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Pasado alas-9:00 ng umaga nang umalis ang military plane, sakay ang 25-anyos na US serviceman sa Ninoy Aquino International Airport..

Aniya ng Bureau of Immigration official na blacklisted na si Pemberton at ikinokonsiderang “undesirable alien” sa ating bansa.

Samantala, nag-iwan naman ng apology letter si Pemberton bago lumipad papuntang Amerika. Ito ay kinumpirma ni Atty. Rowena Flores, abogado ni Pemberton.

Nakasaad sa sulat na pinagsisihan ni Pemberton ang kanyang nagawa noong Oktubre 11, 2014 at kanyang ipinaabot din ang simpatya sa pamilya Laude sa idinulot nitong hindi matatawarang pagkakasala.

Nagpasalamat din si Pemberton kay Pangulong Duterte sa pagkakaloob sa kanya ng absolute pardon dahilan para mapabilis ang paglaya nito sa kanyang pagkakakulong. (DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Bagong ‘Baseco Esplanade’ sa Maynila malapit ng buksan
Next post Mainggitin ka ba?
%d bloggers like this: