
DATU SALIBO, Maguindanao — Pormal na binuksan ang 10-bed capacity “Ligtas COVID-19 Center” ng bayan na ito kasabay sa pagdiwang ng kanyang 11th foundation anniversary noong Agosto 20.
Ayon kay LGU-Datu Salibo Mayor Solaiman “Founder” Sandigan, ang binuksan nilang center ay para sa mga “Locally-Stranded Individual” (or LSI) at “returning overseas Filipino” (or ROF) ng kanilang bayan.
Pinangunahan nila Mayor Sandigan at Vice Mayor Herodin Guiamano at Municipal Health Officer Dr. Esmael Sampo ang pormal na pagbubukas ng nasabing center.
Kasama nilang nagbukas sa nasabing center ay ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) at mga kapitan ng mga barangay nito.
Dumalo rin ang mga alkalde ng ibat-ibang LGU ng Maguindanao, mga tropa ng AFP at PNP at ang mga opisyal ng Provincial Health Office ng Maguindanao, sa pangunguna ni Dr. Elizabeth Samama.
Ayon kay Mayor Sandigan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor Herodin Guiamano, gumagawa sila ng mga pagbabago sa kanilang bayan dahil gusto nilang ipakita sa mga tao na may mga kakayahan silang maglatag ng mga pagbabago para matugunan ang serbisyong inaasahan ng kanilang mga kababayan sa kanila.
Kasabay sa pagbukas ay ang pag turn-over ng tatlong (3) rescue vehicles ng nasabing munisipyo na gagamitin naman sa mga sakuna na mangyayari sa LGU-Datu Salibo. (ABDUL CAMPUA)
Categories: COVID-19 PH, PROBINSYA