
MAGUINDANAO, Philippines — “”EDUCATION Is improving the lives of others and for leaving your community and world better than you found it” –Marian Wright Edelman.”
Yan ang kasabihan na naging sandigan ni Maguindanao Vice Governor Lester Sinsuat at ng kanyang misis na si Bai Fatima Ainee Sinsuat na gumawa ng inisyatibo na sa tingin nila ay makakatulong sa pagbibigay ng magandang-edukasyon sa mga mag-aaral ng probinsya at ng nasasakopan ng kanilang mga pamumuno at serbisyo-publiko.
Sa pinoste ni Vice Governor Lester Sinsuat sa kanyang facebook account, masaya nitong ipinaalam sa mga tao ang pamamahagi nila ng kanyang misis ng “school supplies” at “hand sanitizers” sa apat na mga pampublikong-paaralan.
“Distribution of office supplies and hand sanitizers to support the needs of our schools to provide a better education to all learners in new normal situation during this pandemic,” sabi ni Vice Governor Sinsuat sa pinoste nitong mensahe sa social media.
Ayon pa kay Vice Governor Sinsuat, “me and my wife Bai Fatima Ainee Sinsuat initiate an action to provide some needs of our school.”
Ang nasabing apat na mga public school ay ang Bugawas Elementary School, Taviran Elementary School, Bitu Elementary School at Tanuel Elementary School na matatagpuan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Kilala si Vice Governor Sinsuat at ang misis nito na si Bai Fatima na matulungin sa kanilang mga kababayan sa probinsya ng Maguindanao. (ABDUL CAMPUA/Photo credit to Lester Sinsuat FB account)
Categories: Photo News