
170 na bagong graduate na BPATs ng LGU-Datu Salibo pinuri ni Mayor Solaiman Sandigan

DATU SALIBO, Maguindanao — Masayang tinanggap ng 170 na bagong miyembro ng “Barangay Police Action Team” (or BPATS) ng bayan na ito ang kanilang mga ‘certificate of graduation” noong September 2, 2020 matapos ang mahabang “training” na pinamahalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Mismong si Datu Salibo Mayor Solaiman Sandigan, kasama si Vice Mayor Herodin Guiamano, ang nagbigay ng nasabing mga seritipiko sa mga nag-gradweyt na bagong mga miyembro ng BPAT.
Ang nasabing bagong BPATs ay mula sa 17 barangays ng Datu Salibo, ayon sa report na natanggap ng DIYARYO MILENYO.

Dumalo rin at naging mga saksi sa nasabing graduation ceremony sina nina LTC Jonathan I. Pondanera (CO, 57IB, PA), PCOL Atty. Ronald Santiago (Provincial Director, PPO Maguindanao) at Engr. Amina T. Dalandag (Provincial Director MILG-Maguindanao).
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Sandigan na “it’s a dream come true for all of them and for the LGu-Datu Salibo also.”
Naniniwala si Mayor Sandigan na ang kanilang mga presensya sa ibat-ibang mga barangay sa Datu Salibo ay magiging daan sa pagtuldok sa bangayan at mga gulo dahil sa hindi pagkakaunawaan.
“Sila ay magbibigay kapayapaan at katiwasayan sa Bayan ng Datu Salibo,” giit ni Mayor Sandigan.
Pinasalamatan din ni Mayor Sandigan ang tropa ng AFP at PNP na tumutulong sa pagbibigay ng “security assistance” sa kanilang bayan.
Ayon naman kay Datu Salibo Vice Mayor Herodin Guiamano, dumaan sa matinding training ang bagong graduate na BPATs at nakakaseguro ito na pahahalagahan nila ang pagiging BPATs nila dahil sa hirap at sa mga leksyon na kanilang mga natutunan habang nagsasanay sila. (ABDUL CAMPUA with reports from April Canoneo/Photo credit to LGU-Datu Salibo)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
FSCC AND FSPC PRINCIPALS COME TOGETHER FOR THE RELEASE OF PH’s 2022 FINANCIAL STABILITY REPORT
The release of the 2022 Financial Stability Report was highlighted by the presence of the principals of both the...
Go Lokal Buyers’ Day:
Go Lokal Buyers' Day: DTI renews its support to homegrown micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at the Buyers’ Day event held at...
FINANCIAL STABILITY AUTHORITIES DISCUSS FRONTIER RISKS IN NEW NORMAL
Federal Reserve Bank of Cleveland (FRBC) President and CEO Loretta J. Mester and Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Senior...
LGU Requests for MB Opinion Decelerated in S1 2022
The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), in its continued commitment to transparency and good governance, releases information on the issuance of Monetary Board opinion...
Exporters and Export Enablers Exhibit opens today!
PASAY— The DTI-Trade Promotion Group (TPG), Export Development Council (EDC), and the Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT), opened the Exporters...