
Mayor Bai Bong Ampatuan pinalakas ang sports program para sa mga kabataan ng LGU-Datu Hofer

DATU HOFER, Maguindanao — Pinalakas ng bayan na ito ang kanilang “sports program” para palakasin ang resistensya at para malihis ang atensyon ng mga kabataan sa “illegal drugs,” ayon kay Mayor Bai Bong Amnpatuan.
Sa interbyu sa kanya ng DIYARYO MILENYO, sinabi ni Mayor Amptuan na ang pagpapalakas ng sports program, kasama ang kooperasyon at tulong ng Sangguniang Kabataan, ay bahagi ng pagdiwang ng LGU-Datu Hofer sa Linggo ng Kabataan.
Suportado naman ni LGU-Datu Hofer Vice Mayor Bai Nor Aila Kristina Ampatuan ang nasabing pagpapalakas ng sports program para sa mga kabataan ni Mayor Bai Bong Ampatuan.
Sinimulan ng nasabing bayan ang pagdiwang ng Linggo ng Kabataan Federation noong August 29, 2020.
Ayon pa kay Mayor Ampatuan, simple lamang kanilang ginawang pagdiwang dahil sa patuloy banta ng COVID-19 na sakit, kung saan pumatay na ng libo-libong mga tao sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
“Isang simpleng programa lang aming ginawa para masiguro pa rin ng LGU-Datu Hofer ang safety ng mga kabataan. Sinunod namin ang health safety protocols na ipinapatupad ng gobyerno,” sabi ni Mayor Ampatuan sa interbyu sa kanya ng DIYARYO MILENYO.
Layunin din ni Mayor Ampatuan na bigyan ng “sports materials,” tulad ng basketball ring, volleyball net, mga bola, libreng face mask at face shield.
Ayon sa tagapagsalita at Municipal Treasurer na si Samra Dimaukom, kasabay sa pagdiwang ng nasabing selebrasyon ay ang pagsagawa ng tree planting, zumba dance, mobile legend tournament at poster-making contest na lahat naman ay dinalohan ng mga kabataan.
Sinabi ni Ms. Dimaukom na prayoridad rin ni Mayor Ampatuan ang pag-implement ng “development projects” sa LGU-Datu Hofer tulad ng pag-install ng street lights sa mga barangay, water system at pagbibigay scholarship sa mga kabataan. (ABDUL CAMPUA)