
Governor Teng Mangudadatu dumalo sa turn-over ceremony ng “Usufruct Building” ng Philippine Red Cross sa Tacurong City

ISULAN, Sultan Kudarat — Dinalohan ng mga opisyal ng probinsya ng Sultan Kudarat, sa pangunguna ni Governor Datu Suharto “TENG” Mangudadatu, PhD, ang turn-over ceremony ng “usufruct” building sa gitna ng provincial government at ng Philippine Red Cross (PRC)-Sultan Kudarat Chapter (SKC) noong September 9, 2020 sa Tacurong City.
Kasamang dumalo ni Governor Mangudadatu sina Vice Governor Remus Segura at Provincial Administrator of Sultan Kudarat Jimmy Andang sa nasabing simpleng seremonya.
Ayon sa report na natanggap ng DIYARYO MILENYO, ang nasabing building ay magsisilbing tahanan ng PRC-SKC sa loob ng 50 years.
Matatagpuan ang nasabing “usufruct building” ng PRC-SKC sa Barangay EJC Montilla sa Tacurong City.
Pinasalamatan naman ni Governor Mangudadatu ang Philippine Red Cross sa pagiging mabuting “partner” nito sa probinsya sa panahon ng mga kalamidad at iba pang uri ng “humanitarian services” sa ibat-ibang bahagi ng kanyang probinsya.
“Ang Philippine Red Cross po ay isang mabuting partner po ng probinsya natin. Laging maasahan sa panahon ng pangangailangan,” sabi ni Governor Mangudadatu sa mga dumalo sa nasabing okasyon sa pangunguna ng lahat na mga miyembro ng PRC-SKC. (ABDUL CAMPUA/Photo credit to PRC-SKC)