Balita

Mga gadget na nasabat ng Customs, ipamahagi sa mga estudyante kaysa sirain, ayon kay Sen. Imee Marcos

Image: Manila Bulletin

HINILING ni Senadora Imee Marcos sa gobyerno na baliktarin ang sumpa ng smuggling bilang grasya sa mga dapat nitong mabigyan lalung-lalo na ang mga mahihirap na mga estudyante sa pamamagitan ng donasyon ng mga gadgets na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Sa ipinoste ng Senadora sa kanyang official facebook page. Aniya, “Kung nagawang i-donate ng BOC ang halos 800 puslit na behikulo sa mga pulis, militar at iba pang ahensya ng gobyerno noong Hulyo, siguradong kaya rin nitong lutasin ang pag-aalala ng libu-libong mga estudyante sa pamamagitan ng pagdo-donate sa kanila ng mga kumpiskadong electronic gadgets.”

Dagdag pa ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na posibleng lumobo pa ang mga ilegal na transaksyon ng pag-aangkat ng mga gadget bunsod ng mataas na demand dahil sa pinatutupad na social distancing dulot ng pandemya ng COVID-19.

Aniya, kaysa sirain ang mga ito bakit hindi na lang i-donate ng gobyerno ang mga smuggled electronic devices na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kinukuha ng mga importer matapos ang 15 days ng pagbibigay abiso sa kanila.

Batay pa rin sa poste ng Senadora sa facebook page nito, nitong Agosto ay iniulat ng BOC na nakasamsam sila ng mahigit 29.5 tons ng mga cellphone, storage devices and electrical items na walang mga clearance mula sa Bureau of Product Standards, National Telecommunications Commission at Optical Media Board.

Sa mga nagdaang pag-uulat, halos P100 milyon halaga ng mga gadgets mula Hong Kong ang nasabat noong Hulyo ng nakaraang taon sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, at mayroon ding nakumpiska na mga second hand na mga gadgets mula South Korea sa magkasunod na buwan sa paliparan ng Maynila. (Rex Molines)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.