“State of Calamity” sa buong bansa, pinalawig ni Duterte hanggang Setyembre 2021

Read Time:56 Second

MAS PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdeklara ng State of Calamity sa buong bansa bunsod ng pakikibaka natin sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang Proclamation No. 1021 nitong Setyembre 16, 2020. Sa ilalim ng State of Calamity ay mabibigyan ng mas mabilis at mas malawak na access ang pamahalaan sa kinakailangan nitong pondo upang tugunan ang mga pangangailangan patungkol sa COVID-19.

Advertisement

Batay sa Proclamation No. 1021 na inilabas ng Malacañang, nakasaad na ang deklarasyon ay tatagal sa loob ng isang taon o hanggang ika-12 ng Setyembre, 2021. Maliban na lamang kung babawiin ito nang mas maaga.

Nakasaad din sa proklamasyon na inaatasan ang lahat ng government agencies at local government units sa bansa na magbigay ng full assistance, at palawigin ang mga kinakailangang resources para sa angkop at mabilis na disaster response aid o measure para matuldukan ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Maging ang mga law enforcement agency sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapanatili ng peace and order sa mga apektadong lugar ng COVID-19. (DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post LGU-Datu Abdullah Sangki holds “house-to-house” feeding program
Next post Mga gadget na nasabat ng Customs, ipamahagi sa mga estudyante kaysa sirain, ayon kay Sen. Imee Marcos
%d bloggers like this: