Bata na maysakit sa Maguindanao umaapela ng tulong ang pamilya para ma-operahan

Read Time:1 Minute, 2 Second


MAGUINDANAO, Philippines — Isang bata sa probinsya ng Maguindanao ngayon ang umaapela ng tulong mula sa mga taong may pusong tumulong sa mga mahihirap na nangangailangan.

Siya ay si “She Enna” na nakatira sa Barangay Bonggo Island sa bayan ng Parang sa probinsya ng Maguindanao.

Makikita sa larawan ang kanyang kaawa-awang kalagayan na pinoste ng DXDouble-I 107.5 Splash FM na nakabase sa nasabing bayan.

Sa apela na nakaposte sa FB page ng nasabing istasyon ng radyo, sinabi ng kanyang tiya na “Assalamu Alaykom Warahmatullahi Wa Barakatuho. Baka lang po may mga bukal ang kalooban dyan para po tulungan o matulungan ang aking pamangkin. Kailangan syang operahan para matanggal ang tubig sa kanyang ulo, lagi rin syang nilalagnat at naninigas ang buong katawan.”

“Wala po kaming sapat na kakayahan upang sya ay mapa-opera, mangingisda lang po ang kanyang mga magulang,” ayon sa kanyang tiya na umiiyak na umaapela para sa kanyang pamangkin na si She Enna.

Sa mga gusto pong tumulong maari po kayong makipag-ugnayan sa himpilan ng Dxdouble-I 107.5 Splash FM na matatagpuan sa loob ng Compound ng Municipal Hall, Parang, Maguindanao. At pwede rin po kayong magtext sa numerong ito 09364433304. (RASHID RH. BAJO)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DPWH TURNS-OVER MEGA QUARANTINE FACILITY IN ILIGAN CITY
Next post BERSO SA DIYARYO MILENYO: “TAYO LANG BA?”
%d bloggers like this: