BERSO SA DIYARYO MILENYO: “TAYO LANG BA?”

Read Time:2 Minute, 38 Second

Kumusta na tayo?
Kumusta na ang naunsyaming plano natin sa buhay?

Ang layo mo na,
Hindi na kita nasilayan buhat nang magsimula itong pandemya.

Nagtataguan ba tayo?
Nagtataguan ba tayo sa isang larong hindi natin batid kung sino ang taya at sino ang panalo.

Gaya na rin ba kita?
Tapos ko na kasing kausapin ang mga plato, kutsara’t kaldero.
Halos wala na ako’ng mapiga pa sa kanila.
Nakanganga na’t malayo ang tinatanaw sa karimlan.

Nilibot ko na ang buong distrito ng aking tahanan pero ‘di ko pa rin nahanap ang iyong pangalan.
Ni pagsigaw o paghiyaw mo na punung-puno ng buhay.
Ngayon ako’y nabibingi sa sobrang katahimikan.

Sabi mo kasi magtago ako.
Magtago lang tayo.
Ginawa ko naman ‘yun.
Samantalang ikaw nanatiling nakikipaglaban sa kalabang hindi mo mahanap-hanap.

Nasa’n ka nga ba talaga?
Inip na akong makita ka.
Naiinip na akong ‘di ko naririnig ang iyong maingay na paghuni.

Nag-aalala na ako sa’yo.
Dahil hindi mo na ako kinakausap
Nihindi mo ako magawang i-message
Ni pag-seen sa mga mensahe ko sa’yo
ay hindi mo magawa.

Heto na!
Heto na nga’t nag pop-up na sa aking messenger!

Laking tuwa ko ng bigla mo akong na-seen.

Hindi pala ikaw ‘yun.
Hindi pala ikaw ‘yung kapalitan ko ng mensahe.

Ba’t naman ngayon pa!
Kung kailan nananabik ako sa mga kwentuhan nating naunsyami,
Bigla ka naman nag kaganyan sa akin.

Hindi na pala ikaw ‘yung dati.
‘Yung dati kong kausap at kasama sa buhay, habang masayang nagpapalitan ng

“I love you! Ingat ka dyan. Dito lang ako.”

Isang mensahe pala ang iyong nais iparating sa akin.

Tuluyan ka na pa lang namaalam.

Ang daya mo!
Ang daya daya mo!!
Bakit mo ako iniwan ng ganito.
Bakit kung kelan ako nagiging matatag
Saka ka naman bumitaw.

Bumitaw dahil sa tagu-taguang hindi natin nahanap ang isa’t isa dahil mas kinailangan mong mamili kung ako ba ang hahanapin mo,
O, sila na kailangan mong protektahan?

Pero pinili mo pa ring maglingkod at magtungo sa mga taong batid mo ang iyong sinumpaang tungkulin para sa kaligtasan ng iba.

Ikaw pala ang panalo sa labang ito
Habang ako ang talunan dahil hindi man lang kita naingatan, naprotektahan sa banta ng pandemya.

Tatanggapin ko na lang ba ang lahat?
Dito na lang ba ulit ako lalagi?
Sa isang sulok kung saan ako’y nakapiit
Kung saan tinuro mo sa akin na,
Huwag ako’ng maging makulit.
Huwag lumabas, huwag magpasaway.

Mag-isa na naman ako sa distrito at kalye ng ating tahanan habang umaasa na balang araw ika’y muling magbabalik at sabik na mahahagkan.

Pero hindi na ‘yun mangyayari kailanman.
Hindi ko na rin alam kung hanggang kailan pa ako makikipag taguan sa buhay na ating pinaglaban na nauwi sa isang malungkot na katapusan.

Paalam na mahal, isa kang magiting na mandirigma sa panahon na kailangan ka ng bayan.

Hindi mo alintana ang iyong sinapit nang ika’y mahawa ng nakamamatay na virus na ating kinakaharap ngayon.

Walang kasiguraduhan kung ako na nga ba ang susunod.
Kung mag kaganun, pipiliin ko pa rin lumaban,
Dahil ako’y iyong prinotektahan sa lahat ng iyong laban.

Ito ang laro ng ating buhay, bilang mga frontliner na tayo lang ang nakakaalam. (RBM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Bata na maysakit sa Maguindanao umaapela ng tulong ang pamilya para ma-operahan
Next post Paggunita sa Martial Law ngayong araw

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: