
Lubos na pasasalamat ni Mayor Isko Moreno sa matagumpay na rehabilitasyon ng Manila Bay

Napaka-gandang pagmasdan ng dalampasigan na dati ay kay dumi at masangsang na amoy ng hangin na nalalanghap, ngayon ay binigyang buhay muli ng lokal na pamahalaan ng Maynila katuwang ang DENR, at ang administrasyong Duterte.

Sa isinagawa na programa para sa International Coastal Cleanup Day sa Roxas Boulevard kahapon, Setyembre 19, 2020. Taus-puso ang pasasalamat ni Manila City Mayor Isko Moreno kay DENR Secretary Roy Cimatu sa tuloy-tuloy na pangunguna sa rehabilitasyon ng Manila Bay na nagresulta sa mailinis at mas magandang Manila Bay.
Sa ipinoste ni Mayor Isko sa kanyang official Facebook account na ang Lungsod ng Maynila ang isa sa mga pangunahing lugar na makikinabang sa matagumpay na pagpapaganda ng Manila Bay.

Nakiisa rin sa nasabing programa sina Agriculture Secretary William Dar, DOLE Secretary Silvestre Bello, DSWD Secretary Rolando Bautista at MMDA Chairman Danny Lim.

“Sa inyo pong lahat, kasama na po ang inyong mga tauhan at maging ang private sector, maraming maraming salamat po sa tuloy tuloy ninyong pagmamalasakit na linisin at buhayin ang Manila Bay,” pahayag ng alkalde ng Maynila.

Samantala, pinaalalahanan ang lahat na hindi pa maaring magswimming sa Manila Bay at magtipon-tipon dito dahil sa patuloy pa rin ang paglilinis ng tubig sa karagatan at ang umiiral na health protocol sa banta ng COVID-19 pandemic. (Ni Rex Molines | 📷: Official Facebook page of Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso)