Ibinahagi ng Kulay Colorization nitong Sabado, Setyembre 19 ang malikhaing hitsura ng mga perang papel ng Pinas na ginawa ng digital artist na si Adlai Garcia Jawid kung saan binigyang buhay at kulay ang mga mukha ng mga dating lider at maiimpluwensiyang tao noon.
Sa kaniyang bersyon ng Philippine bank notes, talaga namang nakakamangha ang naging resulta ng pagbibigay kulay sa mga larawan ng peso bill na aakalain mo na kinuhanan lamang ito ngayong taon.
Layunin ng Kulay Colorization na maipakita sa mga lumang larawan ang tunay na mukha at kulay nito na bakas ang ating pagka Pilipino sa mga lumang litrato ng peso bill. Ika nga nila na, “bringing the good old days back to life in vivid Colors.”
Ang Kulay Colorization ay isang pahina na sumusuporta sa mga digital artist na maipakita ang kanilang galing sa pagbibigay kulay ng mga lumang larawan at ito ay maibahagi sa mga mata ng bawat indibidwal na tinatangkilik ang kanilang natatanging kahusayan. Mula sa Diyaryo Milenyo, mabuhay po kayo! (Ni Rex Molines | 📷: of Adlai Jawid, Kulay Colorization)