Paggunita sa Martial Law ngayong araw
SETYEMBRE 21, 1972: Ito ang araw kung kailan idineklara ang Martial Law ni dating Pangulo at diktator na si Ferdinand Marcos sa ilalim ng Proclamation 1081. 48 taon na ang nakalilipas.
Ang pagdeklara ng Martial Law noon ay lumikha ng samu’t saring usaping pang politika, mga krimen at karahasan ay lumubha at maraming Pilipino ang kinitil ang buhay dahil sa pagkontra sa gobyerno at ang paglabag sa kautusan ng mga awtoridad.
Sa madaling sabi, lumala ang human trafficking and vulnerability.
Ngunit sakabila nang lahat ng ito, marami ring nagawang magaganda sa ating ekonomiya si Marcos.
Ilan dito ay ang pagsasaayos ng Manila International Airport, LRT 1 na kauna-unahan sa SouthEast Asia, Philippine Heart Center, Bataan Nuclear Power Plant, PICC, CCP Complex, Philippine Film Center, NLEX, SLEX, San Juanico Bridge at marami pang mga proyekto na ipinagpapatuloy naman ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaganda at pagsasaayos ng ating bansa na kahit marami ang bumabatikos sa kasalukuyang administrasyon dahil sa hindi nalalayo ang kanilang estilo ng panunungkulan sa bansa. (Rex Molines)
You must be logged in to post a comment.