
SALARIN SA KARUMAL-DUMAL NA PANGHAHALAY, TORTURE AT PAGPATAY SA 12-ANYOS NA BABAE SA CAVITE, ARESTADO!
Kaawa-awang biktima ibinaon pa sa bakuran..
SALARIN SA KARUMAL-DUMAL NA PANGHAHALAY, TORTURE AT PAGPATAY SA 12-ANYOS Na BABAE SA CAVITE, ARESTADO!

SUMUKO makaraang masukol ng mga operatiba ng ROSARIO Municipal Police Station(MPS) ang suspek sa karumal-dumal na panghahalay at pagpatay sa isang 12-anyos batang babae na naganap sa Rosario Cavite kamakailan.
Base sa ulat ni CAVITE PPO PD PCOL MARLON SANTOS, kasalukuyang nasa kostudiya ng nasabing prisinto ang suspek na si Erly Arguelles na siyang salarin sa karumal-dumal na panghahalay, torture at pagpaslang sa kaawa-awang biktima na si Louisa, 12 anyos.
Matatandaan na unang naiulat na nawawala ang biktima noong Agosto 30, 2020 at natagpuang patay noong Septyembre 1 sa mismong bakuran(tahanan) ng suspek sa Brgy. Muzon 2 Rosario Cavite.
Kalunos-lunos ang sinapit ng batang biktima na bukod sa ginahasa ay tinorture pa bago pinatay, itinago o ibinaon pa sa lupa na tinakpan ng sakong may buhangin sa bakuran mismo ng suspek.
Hindi na nagawang lumaban pa ng suspek makaraang matunton at masukol ng mga operatiba na nagsagawa ng follow up manhunt sa pinagtaguang bahay sa Brgy. Conchu, Trece Martirez City.
Napag-alaman na hindi tumigil sa pagsasagawa ng imbestigasyon at PAGTUGIS ang mga Pulis-Cavite kung saan sa tulong na rin ng ilang impormante at kaanak ay napag-alaman at sinurveillance ang ilang pinuntuahang lugar ng suspek hanggang sa madakip sa nasabing lugar.
Ayon naman kay PRO4A RD PBGEN VICENTE DANAO, ang pagkadakip sa suspek ay patunay lamang na hindi tumitigil ang kapulisan sa pagsugpo laban sa krimen at PAGTUGIS sa mga kriminal na nagtatago sa batas upang makapagbigay hustisya para sa biktima at pamilyang naulila.
Nahaharap sa kasong RAPE with HOMICIDE ang suspek. (Ulat Ni: SID LUNA SAMANIEGO via Cavite desk)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Magpapasan ng Krus Pinipinalisa, Mga Rekamadero/a Nagpulong sa Ika-apat na Linggo ng Kuwaresma
[gallery columns="2" size="large" ids="29662,29663,29664,29665"] Boac, Marinduque – Nagpapatuloy ang paghahanda sa mga Mahal na Araw mula Abril 2 hanggang 9...
Usapin sa banta ng oil spill sa Verde Island Passage tinalakay
[gallery columns="2" size="large" ids="29654,29655"] Sa nakaraang public forum, “Stop the Oil Spill and Hold the Culprits of this Disaster Accountable”...
HINAING NG MGA MAGSASAKA SA CAVITE, IDINULOG KAY SEN. IMEE
Ni Sid Samaniego [videopress d1wEgDHi] TRECE MARTIRES, CAVITE --- Nakilahok sa ilang aktibidad sa lungsod ng Trece Martires Cavite,...
Pagpapabuti ng Kaayusan sa Isang bagong tayong Subdivision sa Naic Cavite, Tulong-Tulong na Inaangat ng mga Residente nito
NAIC, CAVITE --- Hindi masama ang maghangad ng pagbabago para sa lahat lalo na kung ang kapakanan ng bawat komunidad...
ESTUDYANTENG BIKTIMA NG HINIHINALANG HAZING, NATAGPUANG PATAY SA IMUS, CAVITE
Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng isang college student sa madamong bahagi sa lungsod ng Imus, Cavite na hinihinalang...
PAGMAMAHALAN, SUMPAAN, AT KASALAN SA LOOB NG KULUNGAN
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Hindi magiging hadlang ang bawat rehas na ito upang mapag-isang dibdib ang pagmamahalan nina Erwin...