BERSO SA DIYARYO MILENYO: “SA AKING PAGLALAKABAY”

Read Time:1 Minute, 0 Second

Buwis buhay ka ngang maglalakbay
Sa pagtatangkang marating ang tugatog ng bundok na inaasam.

Dito ko naranasan kung paano nga maglakbay,
Ang isang kagaya kong walang kasiguraduhan
Kung hanggang kailan ako maglalakbay
Sa mga bundok na aking nais pang marating at masilayan.

Kalaban ko’y takot at kaba
Panghihinaan yaring mga tuhod sa mabato at maputik na daan.
Mauuhaw ka’t kakapusin ng hininga.
Madarapa, Madudulas, Masusugatan.
Wala kang ibang kakapitan kundi sarili mo at ang iyong pagdarasal,
Na huwag sanang mapahamak kung saan.

Sa kabila ng lahat ng ito,
Taos puso akong nagpapasalamat sa Diyos na aking gabay,
Binigyan Niya ako ng lakas at ginabayan ako sa aking paglalakbay.
Ipinakita Niya sa akin ang ganda ng mundo na sa panaginip ko lamang nasisilayan.

Ang sarap pala mabuhay sa mundo na aking tinatapakan.
Mga problema ko’y tila limot ko na.
Wala na nga sa akin makakapigil.
Sa kasiyahang dinulot sa aking kamalayan.
Dugo’t pawis ay aking inalaan
Marating ko lamang yaring tugatog na aking tinatapakan.

Hindi ako magsasawang maglakbay
Sapagkat batid ko na akin nang makikita
Pag-ibig na inaasam.
Pag-ibig na ‘di kayang ibigay ninuman.
Kundi ang pag-ibig na sa kalikasan ko lamang matatagpuan. (Larawan at Panulat Ni: Mark Allen Santos)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post SEC Advisories: AGMC, RBCS and PhilHelp
Next post Dating OFW at Most Wanted Person Rank No. 1 Provincial Level, nalambat
%d bloggers like this: