BERSO SA DIYARYO MILENYO: “SA AKING PAGLALAKABAY”
Buwis buhay ka ngang maglalakbay
Sa pagtatangkang marating ang tugatog ng bundok na inaasam.
Dito ko naranasan kung paano nga maglakbay,
Ang isang kagaya kong walang kasiguraduhan
Kung hanggang kailan ako maglalakbay
Sa mga bundok na aking nais pang marating at masilayan.
Kalaban ko’y takot at kaba
Panghihinaan yaring mga tuhod sa mabato at maputik na daan.
Mauuhaw ka’t kakapusin ng hininga.
Madarapa, Madudulas, Masusugatan.
Wala kang ibang kakapitan kundi sarili mo at ang iyong pagdarasal,
Na huwag sanang mapahamak kung saan.
Sa kabila ng lahat ng ito,
Taos puso akong nagpapasalamat sa Diyos na aking gabay,
Binigyan Niya ako ng lakas at ginabayan ako sa aking paglalakbay.
Ipinakita Niya sa akin ang ganda ng mundo na sa panaginip ko lamang nasisilayan.
Ang sarap pala mabuhay sa mundo na aking tinatapakan.
Mga problema ko’y tila limot ko na.
Wala na nga sa akin makakapigil.
Sa kasiyahang dinulot sa aking kamalayan.
Dugo’t pawis ay aking inalaan
Marating ko lamang yaring tugatog na aking tinatapakan.
Hindi ako magsasawang maglakbay
Sapagkat batid ko na akin nang makikita
Pag-ibig na inaasam.
Pag-ibig na ‘di kayang ibigay ninuman.
Kundi ang pag-ibig na sa kalikasan ko lamang matatagpuan. (Larawan at Panulat Ni: Mark Allen Santos)
You must be logged in to post a comment.