
Isang dating OFW at itinuturing na Rank No. 1 Most Wanted Person ng Provincial Level ang naaresto sa pagsalakay ng pulisya sa kanyang lungga sa Brgy. San Isidro, Laur, Nueva Ecija.
Alinsunod sa Oplan Pokemon GO, at sa pinagsamang pwersa ng RSOU 4A, PIU Cavite PPO at Laur MPS sa pamumuno ni PSSg Luvigildo Yumang, Warrant PNCO ng Rosario Cavite MPS, base sa direktiba ni PMAJ Joewie B. Lucas, Acting COP, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder.
Hindi na nakapalag ng dakpin ang suspek na nakilalang si Ronaldo Quinto y Martorillas, lalaki, 48 taong gulang, at naninirahan sa Rosario Cavite.
Dakong alas-4:30 ng hapon noong ika-18 ng Sept nang abutang ng mga operatiba ang suspek sa kanyang kubong pinagtataguan at kusang loob naman siyang sumama sa raiding team.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong ngayon sa Rosario MPS Custodial Facility habang inaantay pa ang commitment order nito na manggagaling sa hukuman. (Ni SID LUNA SAMANIEGO)
Categories: PROBINSYA