Balita

PAGBIBIGAY NG P15K CASH AID SA MGA VENDOR, ISINUSULONG – DSWD

ISINUSULONG ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng livelihood program para sa mga maliliit na tindahan gaya ng mga vendor na naapektuhan ang kita bunsod ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ang planong ito ng DSWD sa Senate hearing para sa budget ng ahensiya na hindi nagamit ang P10 bilyong pondo sa Social Amelioration Program (SAP) para sa mahihirap na lubos na naapektuhan ng pandemya.

Ayon kay DSWD Undersecretary Restituto Macuto, hinihintay na lang nila na aprubahan ng Office of the President ang paglaan ng pondo sa programa.

“Ang atin pong tinatarget dito, ang informal sector. ‘Yung mga kababayan nating nagtitinda sa mga palengke, ‘yun pong mga nagtitinda ng gulay-gulay, mga sari-sari store. We have already oriented our local government units for this particular program. So, they are ready now, hintay lang po kami ng pondo para po makapag-start na kami immediately,” pahayag ni Macuto sa pagdinig.

Sa ilalim ng programa, pagkakalooban ng P15,000 cash aid ang maliliit na negosyong pinalumpo ng pandemya upang sila ay makabangon muli at makapagsimula ng pagbubukas ng kanilang mga naunsyaming kabuhayan. (DM)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.