
Hindi tamang paggamit ng UV light posibleng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ayon sa mga eksperto sa medisina.
Batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa medisina, ang UV light ay naglalabas ng heat energy na pwedeng sumira sa mga surfaces ng mga mikrobyo at viruses ngunit kapag ito ay maling nagamit ng indibidwal ay may dala itong panganib sa ating kalusugan, ayon kay Dr. Gerald Belandes, General Medicine expert.
Aniya, dahil dito ay maaring makaramdam ng ‘di magandang epekto ang sinumang nae-expose ng matagal sa UV light at ito ay maaring makasunog ng balat.
Sinabi rin ni Dr. Eric Domingo, FDA Director General na, “yung kasing cornea at conjunctiva, ‘yung outer layer ng mata, very sensitive to ultra violet na exposure. So para siyang nasususunog. Nagkaakroon siya ng parang burn, sumasakit, nag-iinflame, tapos maaring matuyo at maaring maging cause ng panlabo ng paningin.”
“Yung problema sa mga machines na ‘yan, iba-iba ang strength ng UV rays niya. Hindi siya calibrated. Pwedeng malaks na malakas siya kaya kahit short exposure lang magkakaroon ka na ng burn.” dagdag ni Dr. Domingo sa isang interbyu sa telebisyon.
Ayon naman sa Department of Health, wala pa raw sapat na pag-aaral patungkol sa UV light kung ito nga ba ay nakatutulong makapagpatigil o may kakayahang magpatay ng virus gaya ng COVID-19.
Ang UV light ay karaniwang ginagamit lamang sa mga ospital at mga pasilidad na ngangailangan ng ganitong uri ng health machines o mechanism at ang mga eksperto lamang ang mas nakakaalam ng paggamit nito. (DM)
You must be logged in to post a comment.