Balita

Mga pekeng FB acccount na kunektado sa PNP at AFP inalis ng Facebook

Inalis ng Facebook ang ilang pekeng FB account at page na kunektado umano sa AFP at PNP dahil sa paglabag sa patakaran nito.

Image: untvweb.com

Tinatayang mahigit 50 Facebook accounts, 31 Facebook pages at 20 instagram accounts at 1 network na inalis sa social media ng Facebook.

“We are attributing this network to the Philippine military and Philippine Police. In particular, we found links behind this network that connected to both these organizations and individuals associated with these organization.” Paliwanag ni Nathaniel Gleicher, ang Facebook Head of Security Policy.

Dahil dito, nagbigay pahayag naman si USec. Joel Maguiza Sy Egco. Sinabi nito sa ipinoste sa kaniyang Facebook account na, “It is revolting when FB took down the page of Hands Off Our Children and other legitimate advocacy pages as a result of a “which hunt” it launched against supposed accounts with “inauthentic behaviors.”

Saad naman ni Spokesperson Harry Roque na wala silang magagawa sa naging desisyon ng Facebook at sana raw ay naging maingat ang Facebook sa kanilang pag-alis sa nasabing mga pekeng social media accounts at wala sana itong kinikilingan.

Kaugnay nito, sabay na humarap sa media kahapon, Setyembre 23, sina PNP Chief Camilo Cascolan at AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay. Sinabi nang kapwa hepe ng hanay ng PNP at AFP na sumusunod naman ang kanilang pamunuan sa patakaran at panuntunana ng Facebook sa dapat at hindi dapat iposte sa naturang mga social media accounts ng kanilang mga ahensya.

Samantala, nagpahayag din ng saloobin si Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan na madalas kaumpukan o kasagutan ng AFP sa mga social media post at madalas din syang naba-bash. Aniya, malaking hakbangin ang ginawa ng Facebook para sa pag-alis ng mga pekeng FB account at page na hindi na makagawa pa ng mga hindi kanais-nais sa lahat at magdulot pa ito ng pangambahin sa taumbayan lalung-lalo na sa mundo ng makabagong teknolohiya at panahon.

Hindi na pinangalanan pa ng Facebook ang mga sangkot sa paggawa ng mga pekeng social media account na kanilang tinanggalan ng access upang hindi na magamit pa sa maling gawain. (DM)

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.