Balita

“Pinoy lang dapat ang iskolar ng bayan” – Sen. Imee Marcos

Image: Official Facebook page of Sen. Imee Marcos

“Unahin natin ang kapwa natin Pilipino. Gamitin natin ang ating buwis para sa mga Pilipinong gustong maging doktor, lalo sa ganitong mga panahong may pandemya.”

Ito ang pahayag ni Senadora Imee Marcos matapos masilip ang pagko-komersyalisasyon ng mga State Colleges and Universities (SUCs) na pinahihintulutan ang mga foreign students na tamasahin ang kaparehong benepisyong nakalaan lang dapat para sa mga Pilipinong iskolar ng bayan.

Ayon pa sa Senadora, napupunta lang sa mga dayuhang mag-aaral ang dapat sana ay libreng edukasyon sa kolehiyo ng mga pamantasan na laan sa mga Pilipino, partikular sa napakagastos na kursong medisina.

“Mababalewala ang pagsisikap nating madagdagan ang mga doktor ng bayan at malulustay lang sa mga dayuhan,” dagdag ni Marcos.

Alinsunod ito sa ibinida na panukalang batas ng Senado na magpapalawak sa medical scholarship, o ang ‘Doktor Para Sa Bayan’ bill.

Samantala, nanawagan ang Senadora sa Commission on Higher Education (CHEd) na magsumite ng listahan ng mga foreign student sa mga SUC sa nakalipas na limang taon.

Kaugnay nito, ang CHEd ay humihingi ng karagdagang P4.6 bilyon na pondo para madagdagan ang mga iskolar ng gobyerno na mag-aaral ng kursong medisina sa mahigit 5,000 kada taon.

Ayon naman kay CHEd Chief Prospero De Vera, tali ang kanilang kamay na limitahan ang bilang ng mga foreign students sa SUCs dahil karapatan ng Board of Regents ng bawat kolehiyo at unibersidad na desisyunan ang pagtanggap sa kanila.

Sa tala ng Bureau of Immigration ay nasa 26,000 ang foreign students sa bansa subalit di tukoy kung ilan ang kasalukuyang nag-aaral ng medisina sa walong SUCs.

Mayroon pang tatlong SUCs ang kasalukuyang pinoproseso ang aplikasyon para magbukas ng kursong medisina – Cebu Normal University, Western Mindanao State Univerity sa Zamboanga City, at University of Southeastern Philippines sa Davao City.

Hiniling ni Sen. Marcos sa CHEd, SUCs at Bureau of Immigration na agad repasuhin ang kanilang mga panuntunan patungkol sa mga foreign students para masigurong mabibigyang prayoridad ang mga Pilipinong mag-aaral.

Nagsumamo rin ang Senadora sa kooperasyon ng mga medical student organization na maging alerto at isumbong sa gobyerno kung may mga SUC na pinapaboran ang mga banyagang mag-aaral. (Ulat mula sa ipinoste sa official facebook page ni Senator Imee Marcos)

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.