15-day MECQ sa Iloilo City simula ngayong araw

Sasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Iloilo City ngayong araw, Setyembre 25 hanggang Oktubre 9, 2020.
Ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kaugnay iyon ng inilabas ng IATF na Resolution No. 74.
Inirekomenda rin ito ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang paglalagay sa lungsod sa MECQ simula nitong Setyembre 24 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19
Ayon pa sa mayor ng Iloilo City, sila ay nakapagtala ng 73 coronavirus infections noong Miyerkoles lamang.
55 dito ay locally acquired mula sa hindi pa batid na pinanggalingan. (Badette S.)