Emergency maintenance cable system ng PLDT sisimulan sa Sept. 26

Read Time:36 Second

Simula sa Sabado, Setyembre 26 ay magsasagawa ng emergency maintenance ng cable system partner ng PLDT na Asia-America Gateway (AAG) sa kanilang submarine cables sa karagatan ng Hong Kong.

Tiniyak naman ng PLDT sa kanilang mga customer na magiging maliit lamang ang epekto nito at patuloy pa rin naman ang kanilang serbisyo sa internet.

Aniya, may nakalatag naman silang (PLDT) alternative cable systems.

Kaugnay nito, sinuguro rin ng PLDT at Smart sa lahat ng kanilang subscribers na patuloy ang paghahatid nila ng dekalidad na serbisyo sakabila ng maintenance works ng cable system.

Ang nasabing aktibidades na gagawin ng PLDT at AAG ay magsisimula ng 9:00am ngayong Setyembre 26 hanggang Setyembre 30 ng 5:00 ng umaga. (RBM)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post HALALAN 2022; handa na nga ba tayo?
Next post Distance learning ikinababahala ng mga magulang at eksperto
%d bloggers like this: