
Dalawang taon bago ang halalan 2022 sa national at local elections sa bansa ngunit tila marami nang nagpapahiwatig ng pagtutol dito.
Kamakailan lang ay napabalita na ang pamunuan ng Facebook ay sinala ang mga kumakalat na Facebook accounts, Facebook page at Instagram na may kaugnayan umano sa AFP at PNP agencies, na ikinabahala nang karamihan kaya agad nila itong inaksyunan upang hindi na maacces pa dahil sa paglabag sa regulasyon ng Facebook. At sana nga raw ay walang kinikilingan ang pamunuan ng Facebook.
Sinabi rin ni Senador Ralph Recto na posibleng pakialaman ng mga dayuhan ang 2022 elections sa ating bansa sa gitna ng pagkalat ng fake news at troll accounts sa social media world.
Dahil dito, nagbigay abiso ang Senador sa gobyerno lalung-lalo na sa Commission on Elections at ang Department of Information and Communications Technology na maglagay ng “firewall” sa darating na eleksyon mula sa mga dayuhang makikialam sa halalan at simulan nang gumawa ng hakbang para matukoy ang foreign interference na ito.
Samantala, iminungkahi naman ni Rep. Mikey Arroyo na ipagpaliban ang halalan 2022 dahil sa pandemya. Tugon naman ng COMELEC sa mungkahing ito, itutuloy nila ang halalan 2022 kahit na ano pa man ang mangyari sapagkat ito ay karapatan ng taumbayan upang mailuklok sa araw ng halalan ang nais ng taumbayan na mamuno sa bansa at mapatalsik ang mga pasaway na namumuno sa gobyerno at pamahalaan at kahit hindi raw maibigay ng kongreso ang buong budget na kanilang hinihingi.
Ang COMELEC ay umaasang maaprubahan ang kanilang proposed budget na P30.6 billion habang ang pinapayagan naman ng DBM ay P14.5 billion lamang.
Kung magkanon, posibleng aniya na maging 2 o 3 araw ang botohan sa darating na 2022 election dahil meron namang 30 days overseas absentee voters para bumoto.
Pag-aaralan naman ng COMELEC ang mga bansang South Korea at US na nagsagawa ng eleksyon sakabila ng banta ng pandemya.
Sa totoo lang, maraming usapin ang dapat mabigyang solusyon at unahin kaysa sa ano pa mang mga usaping pang politika. Kung mapag-iisipan at mapaghahandaan ng maayos ng COMELEC ang mga hakbangin na dapat nilang gawin hindi malabong matuloy ang halalan 2022.
Aminado naman tayong lahat na marami pang dapat unahin. Subalit sa ganitong pagkakataon, mangingibabaw pa rin ang dapat mangyari kaysa sa ating inaasahang maganap. (DM)
2 thoughts on “HALALAN 2022; handa na nga ba tayo?”
Comments are closed.
Hello, I would just like to ask if who is the author for citation purposes. Thank you
Hi, please email diyaryomilenyo@gmail.com