
Dagdag na public transpo hiling ng isang kongresista

HINILING ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin sa House Committee on Economic Affairs na madaliin ang pagluwag sa restrictions at dagdagan ang mga pampublikong transportasyon.
Aniya, bunsod ito nang kakapalan ng bilang ng mga mananakay sa iba’t ibang bahagi ng NCR at Metro Manila mula ng maipatupad ang GCQ sa Metro Manila at karatig probinsya.
Ito ay para mabalanse ang kabuhayan sa iba’t ibang industriya at ang mga drayber na matagal nang hindi nakakapasada kung hindi naman agad matutugunan ang problema sa ekonomiya.
Saad pa ng kongresista na ang public transportation ay itinuturing na ‘major economic lifeline” kung saan ito ay integrated at interconnected sa lahat ng negosyo kaya nananatili itong pangunahin at napakahalaga sa pagbangon ng ekonomiya.
Mas lalo lamang umanong mababalewala ang pagpapatupad ng social distancing kung ang public transportation ay mas mababa kumpara sa mataas na bilang ng mga manggagawang nagbalik-trabaho na.
Diin pa ng kongresista na ang pagbubukas ng ekonomiya ay dapat masuportahan ng pagtataas ng passenger capacity kaakibat ang inilatag na health protocols upang matiyak na protektado ang lahat sa sakit na COVID-19. (DM)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
