Banner Story

Distance learning ikinababahala ng mga magulang at eksperto

Ilang araw na lang ay magsisimula nang umarangkada ang online classes sa bansa. Ikinababahala naman ito ng mga magulang at eksperto ang distance learning kung may matututunan nga ba ang mga mag-aaral?

Naghahanda na ang mga magulang at mga mag-aaral sa pagsisimula ng online classes ngayong darating na Oktubre 5.

Ayon sa Department of Education (DepEd), tinanggal na nila ang periodical examinations at magpapatupad na lamang sila ng mga assesment na susukat sa mag-aaral kung may natututunan ba sa distance online classes.

Ayon sa isang eksperto ng Family Life and Child Development Specialist, School Director ng Nest School na si Teacher Tina Zamora, dapat tutukan at alagaan ang mental health ng mga bata na hindi lamang sila ma-exposed sa computer at internet bagkus ay magkaroon ng oras na makipaghalubilo. Aniya, dapat din na magkaroon sila ng offline activity.

Ayon kay Benjo Basas, Chairman of Teachers Dignity Coalition na magkaroon din sana ng oras na makapaglaro ang mga bata kasama ang mga kapatid nito sa loob ng tahanan upang hindi makaramdam ng pagkainip sa maghapong nakaharap sa computer.

Sa huling pagtatala ng DepEd, umabot na sa 24 milyong estudyante ang nakapag-enroll sa pampubliko at pribadong paaralan. (DM)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.