Balita

EEI Corporation sa Batangas, lockdown ng 14 days

Image: Bauan MIO

GALIT ang lokal na pamahalaan ng Bauan Batangas matapos itago ng isang korporasyon sa kanilang nasasakupan ang mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) na kanilang mga manggagawa na umabot na sa higit 60 confirmed COVID-19 cases sa loob mismo ng kurdon ng naturang kumpanya.

Ang napabalitang kumpanya ay ang EEI Corporation sa nasabing lalawigan.

Base sa mga nakalap na ulat, Marso pa lamang ay pinag-iingat na nila ang kanilang mga tauhan sa banta ng virus. Aniya, ang lahat ng kanilang mga trabahador ay isinasailalim sa 14-day quarantine sa sarili nilang quarantine facility mismo sa loob ng kanilang yarda sa Main Shop (Sta. Maria) at Annex Shop (Bolo).

Nakapagtala ng 8 kumpirmadong kaso ng COVID-19 nitong Setyembre 19 lamang bagay na biglaang tumaas pa ito dahil sa walang koordinasyon na ginagawa ang naturang kumpanya. Kung kaya’t itinawag sa Bauan Task Force on COVID-19 ang Pamunuan ng Barangay Sta. Maria para isangguni ng mga trabahador sa EEI Fabrication and Construction Corporation ang kanilang hinanaing sa kumpanya.

Sa pahayag ng mga trabahador ng EEI, aniya, na kapag lumabas ang mga manggagawa sa yarda ibigsabihin ay walang pananagutan ang kumpanya sa kanilang mga trabahador na naging dahilan kung bakit lalong nagkaroon ng komusyon. Aniya, lalabas na sila ay AWOL na sa kumpanya.

“Nagkaroon na lamang nga po ng komusyon among the workers kasi natakot ‘yung mga trabahador na nasa loob ng yarda at nagpupumilit lumabas sa kanilang quarantine facility, so kinol po ang atensyon namin thru Brgy. Sta. Maria,” pahayag ni Atty. Ava Beatrice Jackqueline Talag sa isang interbyu.

“Dumaan po ang ilang araw wala po silang ginagawa at hindi po sila nakipag-coordinate sa barangay at maging sa local task force.” dagdag pa ng Abogada.

“Supposedly nag-contact tracing na sila doon, malawakang contact tracing para ma-segregate kung sino ‘yung mga may direct contact, ang nangyari po doon diretso ang operation ng EEI.” saad pa ni Atty. Talag.

Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang Task Force sa pamunuan ng EEI upang kumpirmahin ang nasabing report. Nakipag meeting ang pamunuan ng EEI sa pamamagitan ng zoom kasama ang pamunuang barangay ng Sta. Maria at Bolo at ang ilang miyembro ng Task Force.

Pahayag ng EEI management, kinumpirma nila na 8 ang nagpositibo sa virus sa kanilang mga manggagawa noong Setyembre 19. Napag-alaman na may mga trabahador din na may mga sintomas, mga direktang contact sa mga nagpositibo at ilang mga negative sa swab test.

Sinabi rin ng EEI management na boluntaryo ang naging paglabas ng mga trabahador mula sa kanilang yarda. At bilang kanilang protocol, hindi basta basta makakabalik ang mga trabahador na ito sa yarda. Walang kaukulang dokumento diumano ang pagkalabas ng mga trabahador na ito.

Nanindigan ang kumpanya na ang lumabas na mga trabahador, kailangang sumailalim muli sa 14-day quarantine bago makabalik muli ng trabaho. Nilinaw ng Task Force na bigyan ng kaukulang kumpensasyon ang mga trabahador sa panahon ng quarantine.

Nitong Setyembre 20 ay nakipagtulungan ang LGU-Bauan sa pamamagitan ng Task Force na magkaroon ng koordinasyon sa Laguna upang mabigyang pasilidad ang mga nagpositibo sa COVID-19 na maaring mailipat ang mga nananatili pa sa yarda ng EEI. Bunsod ng paglob ng kaso ng COVID-19 sa naturang lalawigan.

Nakipag-ugnayan ang Task Force sa EEI management upang ipaalam ang direktiba ng National IATF na kinakailangang mailipat na ang mga positibong kaso ng COVID-19 na asymptomatic na naka home quarantine sa mga hotel isolation facility.

Samantala, hindi palalagpasin ito ng lokal na pamahalaan ng Bauan Batangas ang ginawa ng EEI at may posibilidad na madagdagan pa ang araw ng lockdown ng naturang kumpanya hangga’t walang malinaw na koordinasyong nakukuha mula sa EEI sa kanilang mga manggagawang nagpositibo sa naturang virus at ang mga pinauwi nilang mga may sintomas ng COVID-19. (Rex Molines)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.