SHOWBIS ATBP.

“I’ll strive harder so I can give her the best in life” – Baron Geisler sa kanyang 8 month old baby Tali

Wala nang mas hihigit pa sa mundo kundi ang buong-pusong pagmamahal ng isang ama na ibinubuhos niya sa kanyang mga anak at pamilya.

‘Yan ang pinatunayan ng aktor na si Baron Geisler na ngayon ay ‘bagong buhay’ na siya para sa kanyang panganay na anak.

Kitang-kita naman sa mga larawan nang mag-ama ang pagmamahal ni Baron sa kanyang Baby Talitha Cumi Geisler, walong buwan na ang baby nina Baron at misis nitong si Jamie Marie Geisler.

Sobrang proud na ipinoste ni Baron sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng kanyang baby habang karga-karga niya ito.

Madalas nating nakikita sa telebisyon si Baron sa pagiging bad at kontrabida nito sa mga pelikula at teleserye at kahit sa pagiging pasaway nito sa tunay na buhay. Ngayon, ibang Baron na ang inyong makikita. Malayong-malayo sa kanyang karakter noon sapagkat inienjoy na ng aktor ang pagiging ama sa kanyang baby Tali.

“I’m very blessed to have a very sweet and happy baby 8 (months) and feeling great. Thank you Lord for the gift of family.” sabi ng aktor sa kanyang post sa Facebook na may libo-libo nang reaksyon.

“I’ll strive harder so I can give her the best in life.” Dagdag pa ng aktor. (DM)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.